Kapamilya Actor Joshua Garcia and Athlete Emilienne Vigier Dating?

Martes, Hulyo 25, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang entertainment sites ang isyung nagdi-date sina Kapamilya actor Joshua Garcia at athlete-businesswoman na si Emilienne Vigier, ito'y matapos kumalat ang ilang mga larawan na mula sa kani-kanilang mga social media accounts.


Marami sa mga netizens ang naghihinalang nagkakamabutihan na sina Joshua Garcia at Emilienne Vigier. Ito'y matapos makita sa kani-kanilang social media posts ang magkakaparehong larawan.


Noong June, parehong nasa El Nido sina Joshua at Emilienne, bagama't hindi naman nila ibinahagi ang isa't-isa sa kanilang post kapansin-pansin naman ang mga similar photos na ibinahagi nila.


May ilang mga netizens na hayagang nagtanong sa dalawa hinggil sa estado ng kanilang relasyon subalit nanatili lamang silang tahimik.


Samantala, kamakailan lamang ay pareho na namang nagbahagi ang dalawa ng parehong photo sa kanilang mga IG Stories kung saan tila nagluluto ang aktor.


Si Emelienne Vigier ang siyang nagmamay-ari ng Luciana's Maison-Bakery, isang sweet shop na nagbebenta ng cookies, revel bar, cinnamon roll, at iba pang masasarap na pagkain. Hindi lang siya isang atleta kundi isa ring negosyante.


Nagtapos siya ng BA in Diplomacy and Diplomats sa De La Salle-College of Saint Benilde noong 2021.


Labis naman na naku-curious ang mga netizens sa totoong estado ng relasyon ng dalawa. Hinihintay ng mga fans ng aktor ang kanilang pag-amin.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo