Kampo Ni Ricci Rivero Nagsalita Na, Mga Under Wear ni Andrea Brillantes Nakakalat Sa Condo Ni Ricci

Lunes, Hulyo 31, 2023

/ by Lovely


 Tila sinagot na ng kampo ng basketball player na si Ricci Rivero ang naging pagsisiwalat ni Andrea Brillantes patungkol sa isang taong hindi pagpapa-laundry ni Ricci Rivero.


Ayon sa kampo ni Ricci Rivero, nakakalat naman umano ang mga underwear ni Andrea sa loob ng condo ni Ricci Rivero.


Isa ito sa mga napag-usapan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang programa kung saan nakarating umano sa kanila ang pahayag ng kampo ni Ricci Rivero na sinasabing may mga hindi magandang pinapakita si Andrea Brillantes habang magkarelasyon pa sila ni Ricci Rivero.


“Nagkalat daw po ang naiwanang underwear nitong si Andrea Brillantes sa unit ni Ricci,” pahayag ni Cristy Fermin.


Gayunpaman, tila hindi kumbinsido sina Manay Cristy Fermin na ang mga nakakalat na underwear ay kay Andrea Brillantes lamang.


“Ang tanong, underwear niya lang kaya ‘yon? Diba ang kwento maraming babae ang labas pasok doon,” saad ni Cristy Fermin.


Ayon naman kay Romel Chika, mahirap nang kumpirmahin kung kay Andrea Brillantes ba talaga ang mga sinasabing underwear.


Hinuha naman ni Cristy Fermin na baka gawa-gawa na lamang ito ng kampo ni Ricci Rivero ang isyung ito upang gantihan ang pahayag ni Andrea Brillantes patugkol kay Ricci Rivero.


“Siguro ito ay gawa-gawa bilang ganti ng kampo ni Ricci nung sabihin ni Blythe na hindi siya nagpapalaba ng kanyang mga kagamitan kaya dugyutin.” 


Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Andrea Brillantes hinggil sa nasabing isyu.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo