Tila hindi apektado ang Kapuso Singer-Comedian na si Kakai Bautista sa sunod-sunod na pambabanat ni Rendon Labador sa kanya.
Matatandaan na hayagang tinawag ni Rendon Labador si Kakai Bautista na mukhang pera at pangit. Ito'y kasunod ng pahayag ni Kakai Bautisa na mas inuuna niya ngayon ang pagpapayaman kaysa ang paglalandi.
Bagama't unbothered, nag-iwan naman si Kakai Bautista ng maanghang na pahayag laban kay Rendon Labador.
“Mukha talaga akong pera. Sino bang hindi mukhang pera? Naku lahat ng tao mukhang pera. Jusko hindi tayo makakakain kung wala tayong pera. Ano ‘to, ‘di ba?
“So, depende ‘yun sa tao kung hanggang saan ‘yung pagiging mukhang pera niya. Kung gagamitin niya ba ‘yun sa masama o mabuti. ‘Di ba mukha akong pera kasi maraming umaasa sa akin at marami akong gustong matulungan lalo na ‘yung family ko,” pahayag ni Kakai.
Masaya rin niyang ibinahagi ang kanyang mga naipundar dahil sa kanyang pagsisikap.
“Two years ago pa tapos ‘yung isang malaking, good achievement ko this year is nakabili na rin ako for myself. Diyan lang sa tabi-tabi.
“So happy na ‘ko at least ‘di ba, inuna ko muna ‘yung family ko bago ako,” pagbabahagi ni Kakai.
Sa kabilang banda, naging usap-usapan ngayon sa social media ang pagsisiwalat ng isang kaibigan ni Rendon Labador hinggil sa umano'y pagkakabaon nito sa utang.
Kung sakali mang totoo ito, tila nababaliktad si Rendon Labador sa lahat ng mga binanatan niya sa social media na ayon sa mga netizens ginagawa niyang content upang mapagkikitaan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!