Dating make-up artist ng fashion icon at actress na si Heart Evangelista na si Justin Soriano nagsalita na, sinabing si Heart Evangelista ang nag max-out ng sariling credit card.
Sa gitna ng mainit na kontrobersiya patungkol sa nangyaring falling out sa pagitan nina Heart Evangelista at ng kanyang glam team, binalikan ng ilang mga netizens ang nakaraang Tiktok video ni Heart Evangelista tungkol sa kanyang max out credit card.
Ibinahagi ni Heart Evangelista ang isang Tiktok video kung saan tila umiiyak siya kalakip ang caption na, "Yung ready ka nang magwaldas dahil may mga nanggago sayo pero nakalimutan mo na may naka twenty four moths to pay na pala."
Sa comment section ng nasabing video ni Heart may nagtanong kung ang video bang ito ay may kaugnayan sa pagkakatanggal ng glam team ni Heart Evangelista na sina Justin Soriano at Jeck Aguilar.
May mga nag-usisa pa kung ano ang mga binili nina Jeck at Justin gamit ang credit card ni Heart para maging 24 months ang installment payment para rito.
Agad naman itong pinabulaanan ni Justin Soriano ipinagdidiinan niyang si Heart Evangelista lamang ang gumagamit ng credit card.
"Dear, siya lang ang nagmamax-out ng credit card niya. Wala kaming paki sa card niya. Na misinterpret niyo yung Tiktok video niya sa SG na may twenty four months siyang babayaran. Siya ang may gastos nun hello. Kita niyo naman sa mga isinusuot niya everyday di ba."
Nagtataka rin si Justin kung bakit sila ni Jeck ang sinisisi ng ilan sa nangyari sa credit card ni Heart.
May ilang mga netizens naman na sumang-ayon kay Justin dahil nangangailangan naman umano ng OTP sa tuwing gagamitin ang credit card ni Heart para ma-authenticate ang paggamit nito.
Iginiit din ni Justin na may ibang dahilan kung bakit hindi na sila ang glam team ngayon ni Heart Evangelista, subalit nananatiling tikom ang kanyang bibi patungkol rito.
@fordachismissx Follow for more exclusive chikas #heartevangelista #fyp #foryoupage #fyp #heartglamteam #heartissues ♬ Beat Automotivo Tan Tan Tan Viral - WZ Beat
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!