John Lloyd Cruz, May Mensahe Para Kay Rambo Nunez Sa Kasalan Nila Ni Maja Salvador

Lunes, Hulyo 31, 2023

/ by Lovely


 Bago pa man ang kasalan nina Maja Salvador at Rambo Nunez nagkaroon ng welcome dinner para sa mga bisita na sinadya pang magpunta sa Bali, Indonesia upang masaksihan ang kanilang pag-iisang dibdib.


Kabilang sa mga naroon ay ang actor na si John Lloyd Cruz. Kumakalat rin ngayon ang video kung saan nagbibigay ng mensahe si John Lloyd Cruz para kina Maja Salvador at Rambo Nunez.


Pabiro pang tinawag ni John Lloyd Cruz si Maja Salvador na isang 'ambisyosa'. Sa huli, ibinilin ni John Lloyd kay Rambo na alagaang mabuti si Maja Salvador na tinawag niyang 'kapatid'.


“Alagaan n’yong mabuti ‘yung isa’t isa. Unawain n’yo ‘yung isa’t isa palagi. Maj, irespeto mo ‘yang asawa mo. Rambo, ‘tol ikaw rin, ingatan mo ‘yang kapatid ko. 


"Naging napakabuti niyan sa akin, sa marami sa amin dito, sa maraming tao. Mahal na mahal ko ‘yan.


“Gusto ko na ring magpasalamat sa’yo Rambo gamit ang pagkakataong ito kasi alam ko paulit-ulit mong tinutulungan si Maj na abutin ang mga pangarap niya sa buhay. 


"Mapangarap ‘yan, sobrang mapangarap ‘yan. In other words, ambisyosa ‘yang kapatid ko pero Rambo, hindi ka magsisisi na nasa kampo mo ‘yang si Maja. Congratulations sa inyong dalawa. Mahal ko kayo,” saad ni John Lloyd.



@bestofmajasalvador Itay Idan's message to her not so little baby girl πŸ₯ΊπŸ€ u really can't question maja's heart. simpleng message from JLC pero alam mong totoo. alam mong mabuting tao si maja kasi mahal na mahal nila sya 😭🀍 #majasalvador #maja #johnlloydcruz #wedding #welcomedinner #bride #showbiz #fyp #foryou ♬ original sound - Maja Salvador

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo