Ang tinaguriang Henyo Master na si Joey de Leon ang unang witness na nagbigay ng pahayag hinggil sa reklamong unfair competion na inihain ng TVJ laban sa TAPE Inc. at GMA Network.
Ang nasabing reklamo ng TVJ ay kasunod ng desisyon ng production company na pag-aari ng Jalojos at ng Kapuso network na ipalabas ang mga nakaraang episode ng Eat Bulaga nang magresign ang TVJ sa TAPE Inc. noong May 31, 2023.
Ayon pa sa mga ulat, ninanais din ng TVJ na huwag nang gamitin ng TAPE Inc. ang pamagat na Eat Bulaga. Matatandaan na nauna nang iginiit ni Joey De Leon na siya ang nagmamay-ari sa nasabing pamagat dahil siya naman ang naka-isip nito.
Samantala, sa naganap na hearing tumayong witness si Joey De Leon. Ayon naman sa tumayong legal counsel ng complainant na si Atty. Enrique dela Cruz ng Divina Law office pinag-iisipan nila na si Tito Sotto naman ang magiging witness sa susunod.
Naglabas na rin ng pahayag ang legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, ipinunto niyang pagmamay-ari ng TAPE ang trademark registration ng Eat Bulaga kaya sila umano ang may karapatan sa paggamit nito.
“TAPE Inc. has the trademark registration of the name and logo of Eat Bulaga!, it has the right to use the name and logo of Eat Bulaga!.”
Naniniwala rin umano ang TAPE Inc. na nasa kanila ang copyright ng mga naunang episodes dahil sila naman umano ang gumastos para magawa ang mga naunang episodes ng Eat Bulaga.
“As regards the audiovisual recordings, TAPE Inc. insisted that they own the copyright thereof because they spent for all the expenses of production to be able to make those episodes.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!