Joey De Leon Muling Pinatamaan Ang Eat Bulaga, Tinawag na 'Tolongges' Noontime Show!

Linggo, Hulyo 23, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin natatapos ang pagpaparinig ng E.A.T hosts at dating Eat Bulaga na si Joey De Leon sa mga katapat nilang noontime shows.


Matatandaan na hindi naging maganda ang pag-alis ng dating Eat Bulaga hosts sa pangunguna ng TVJ sa TAPE Inc. kasunod ng ilang buwang internal conflicts sa pagitan ng dalawang panig.


Mula nang magkaroon ng panibagong hosts ang Eat Bulaga, hindi na matigil-tigil ang pasimpleng pasaring ng tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon sa mga bagong host ng show.


Kamakailan lamang, muling binanatan ni Joey De Leon ang mga katapat na shows sa gitna ng mainit na kompetisyon at pataasan ng ratings.


Sa recent Instagram post ni Joey De Leon, ipinagdidiinan niya na ang E.A.T ang longest running noontime show. Ito'y sa kadahilanang, igiinit nila na sila at ang Eat Bulaga ay iisa.


“Here’s Miss Tapsilog’s Bridal Shower Special Menu for today on TVJ’s TV 5 “E. A. T.”—-wala pa dyan yung MABUHAY ANG BAGONG INASAL! Featuring “Sino Ang Manok Nyo? (Sino Ang HEN Nyo?)”, “Wag Kang Ganun Huy!”, “Sugod Bahay Mga Kapatid!” and a lot more. Eto yung THE LONGEST RUNNING NOONTIME SHOW! Iba naman at hindi ito ang TOLONGGES Noontime Show!”


Ang term na 'Tolongges' na ang ibig sabihin ay 'to deceive' ay pinasikat noon ni Dating Manila Mayor na si Isko Moreno na isa rin sa bagong host ngayon ng Eat Bulaga.


Sa ngayon ay nananatiling tahimik ang Eat Bulaga hosts, maging si Isko Moreno sa mga pambabanat sa kanila ni Joey De Leon.


Gayunpaman, hindi napigil ng ilang mga netizens na mainis kay Joey De Leon dahil sa pambabanat nito sa mga katapat na shows at hindi na lamang umano ito manahimik at pagbutihin ang kanilang show.


Marami rin ang nagpapayo rito na itigil na ang pambabatikos dahil baka iwan sila ng kanilang mga tagahanga at lumipat ang mga ito sa katapat na shows.


“Sir sana tama n ung parinig,dpb sapat n suportado kau ng nkrrming pinoy.bka sa lagi nyong pag pprinig tabangan n mga tao n manuod sa inyo at dun n manuod sa klaban nyo.bsta.msya.nlngbtyo sa bgo nyo thananwag nyo ng pansinin mga katapat nuong show.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo