Joey De Leon May Pasaring Kay Vice Ganda Sa Helicopter Ride Entrance Ng It's Showtime First Episode Sa GTV!

Lunes, Hulyo 3, 2023

/ by Lovely


Tila hindi pa rin nawawala ang kompetisyon sa pagitan ng mga noontime show sa telebisyon sa pagbabalik ng TVJ na ngayon ay nasa TV5, It's Showtime na ngayon ay lumipat na sa GTV at Eat Bulaga ng TAPE Inc. sa GMA7.


Sa naganap na sabayang pilot episodes ng E.A.T at It's Showtime, hindi maipagkakailang pareho nila itong pinaghahandaan.


Samantala, matapos ang kanilang first episodes at ang tagisan nila sa online views tila naglabas naman ng pasaring ang tinuturing na Henyo Master na si Joey De Leon sa lead host ng It's Showtime na si Vice Ganda.


Ayon sa mga naunang naiulat ang E.A.T, show ng TVJ ang humakot sa mga views at nangunguna sa ratings, sinigundahan naman sila ng It's Showtime habang nangungulelat naman ang Eat Bulaga ng TAPE Inc.


Agad din itong ipinagmalaki ni Joey De Leon at ang kanilang record breaking online views na umabot sa mahigit 10 million ang pinagsamang views sa Youtube at Facebook na mas mataas sa nakuha dati ng It's Showtime.


Sa sumunod na araw ay ibinahagi naman ni Joey De Leon ang kanilang mga larawan habang nasa loob ng elevator.


"Ganito kaliit lang ang studio namin sa TV5, parang elevator pero 1,000 floors naman ang taas ng ibinigay nyong pagpansin sa amin…lagpas helicopter!" caption ni Joey De Leon sa kanyang post.


Agad namang naghinala ang ilang mga netizens na parinig ito ni Joey De Leon dahil kahit maliit lamang ang studio nila at hindi kasing bongga ng opening ng It's Showtime ay sila pa rin ang nangunguna.


Matatandaan na hindi naman maipagkakaila na napakabongga talaga ng pilot episode ng It's Showtime sa GTV dahil sumakay pa si Vice Ganda ng helicopter mula sa ELG Building ng ABS-CBN patungong rooftop ng GMA7 EDSA upang ipakita sa kanilang mga fans na nasa bagong tahanan na sila ngayon.


May paalala naman ang ilang mga netizens kay Joey De Leon na huwag masyadong magmayabang sa tagumpay na tinatamasa nila ngayon.


"Congratulations on your new home. Sana po iwas iwasan nyo na sir ang paparinig. Nakaka wala po yon ng respito. Pwede namn mag bigaybng isa’t libo isang tuwa pro yong mga parinig nakakawala ponng respito. Being humble is more important and be thankful kasi meron kayong new home. Napakasakit po nyan kng babagsak ulit kayo. Again congratulations po!"


"Bakit kaya mas bitter pa kayo kahit madami daw ang views.. Pero kz binasehan 1 platform ng showtime.. Napaka dami nila platform kaya nahati lahat.. Besides, sa ratings mas mataas, how about sa ads kaya during."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo