Sa gitna ng kaliwa't-kanang pambabatikos ngayon sa TV-host na si Joey De Leon dahil sa kanyang pambabanat sa mga hosts na pumalit sa kanila sa Eat Bulaga, tila dumipensa naman sa kanya ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz.
Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Lot at Tita Jegs sa recent episode ng kanilang Showbiz News Update ang sunod-sunod na pasaring umano ni Joey De Leon sa mga bagong host ng Eat Bulaga.
"Actually yaan, noon pa man, ganyan na si tito Joey sa mga ganyan niyang pahirit. 'Yan din kasi ang nagpapalakas ng panonood ng mga tao e. 'Ay baka may sabihin ulit si Joey kailangan live marinig ko na hindi yung mabasa ko lang dahil viral," pahayag ni Ogie Diaz.
Dagdag pa ni Ogie Diaz, tila paraan umano ito ni Joey De Leon para panoorin sila ng mga tao dahil may aabangan ang mga ito sa susunod niyang masasabi laban sa mga katapat na shows.
"Feeling ko, yun ang ano ni Joey. 'Yung goal niya is ma-viral ule at mas ma-curious pa 'yung mga tao na manood sa live. Ang importante, hindi personalan na atake."
Matatandaan na marami ang naiinis na ngayon kay Joey De Leon dahil sa sunod-sunod na pambabanat nito sa mga hosts na pumalit sa kanila sa Eat Bulaga.
Maging si Vice Ganda nahost naman sa isa pa nilang katapat na show ay tila pasimple ring binanatan ni Joey De Leon. Kaya naman marami ang nagsasabi na dapat na nga itong magresign dahil matanda na rin naman ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!