Joey De Leon Binanatan Ang Mga Fake Dabarkads, “Kami legit, kayo tigel na”

Lunes, Hulyo 10, 2023

/ by Lovely


 Tila pinatamaan ng TV host na si Joey De Leon ang mga pumalit sa kanilang hosts ng Eat Bulaga sa TAPE Inc.


Tila tinawag ni Joey De Leon ang mga ito bilang mga peke dahil sila umano ang legit dabarkads.


Matatandaan na noon pa man ay iginigiit na ni Joey De Leon na siya ang nagmamay-ari ng 'Eat Bulaga', title dahil siya umano ang unang nakaisip nito. 


Subalit, sa kanilang pag-alis sa show nitong May 31, 2023, napag-alaman nilang nakarehistro ang trademark ng titulong 'Eat Bulaga' sa TAPE Inc. ang producing company nila.


Dahil dito, hindi nila nasama sa kanilang pag-alis sa pamumuno ng TAPE ang Eat Bulaga. Gayunpaman, isiniwalat naman ni Joey De Leon na ongoing sa ngayon ang kanilang pagbawi sa show na siya naman ang unang naka-isip.


Sa ngayon ay E.A.T ang titulo ng show nina Tito, Vic at Joey sa Kapatid network, ibig sabihin umano nito ay Eto Ang Totoo. Tinatawag din nila ngayon ang kanilang mga sarili bilang legit dabarkads.


Matatandaan na noong pinalitan sila nina Paolo Contis at iba pang hosts ngayon sa Eat Bulaga ginagamit nila ang tawag na Dabarkads. Dahil dito, tila ipinamumukha umano ng TVJ at iba pang dating hosts ng Eat Bulaga na mga peke ang pumalit sa kanila.


Sa kabilang banda, muling tumaas ang kilay ng mga netizens sa pasaring kamakailan ni Joey De Leon sa mga pumalit sa kanilang hosts ng Eat Bulaga na naghahanda na rin sa pagsi-celebrate sa kanilang 44 years anniversary.


“Kami legit, yung mga alam niyo na, peke, baliktarin niyo yung legit, tigel (tigil) na kayo please, okay?”


Agad namang nagpalakpakan ang mga tao sa studio matapos itong sabihin ni Joey De Leon.


Samantala, may mga netizen naman na hindi nagugustuhan ang mga pambabanat ni Joey De Leon. May mga nagpayo pa na sana ay pabayaan na lamang nito ang mga hosts sa katapat nilang shows at magpokus na lamang sa kanilang show ngayon.


Nauna na ring nabatikos noon si Joey De Leon dahil sa kanyang pagpatol sa kanyang mga bashers lalo na sa mga nagpapayong dapat na siyang magretire kasama sina Tito Sotto at Vic Sotto.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo