Janno Gibbs, Naglabas Ng Reaction Sa Ginawa Ni Lea Salonga Sa Kanyang Fans Na Pumasok Sa Kanyang Dressing Room

Martes, Hulyo 18, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng saloobin at opinyon si Janno Gibbs patungkol sa pinag-uusapan ngayong isyu ng pagpapalabas ni Lea Salonga sa kanyang fans na pumasok sa kanyang dressing room.


Ayon kay Janno Gibbs sa kanyang Instagram stories, naiintindan at valid naman umano ang naging paliwanag ni Lea Salonga kung bakit hindi niya pinagbigyan ang mga pakiusap ng kanyang fans na pumasok sa dressing room ng walang pasabi.


Subalit, ipinahayag ni Janno Gibbs na sana ay inapproach at sinabi ni Lea Salonga ang kanyang boundaries sa mas mahinahong paraan na hindi umano ikaka-offend ng kanyang fans.


“Nasa tama naman si Ms. Lea. Bawal talaga sa dressing room/backstage ang wala sa listahan,” saad ni Janno Gibbs.


“Sana lang nasabi niya ng mas maayos. Yung hindi napapahiya ‘yung fans. Sa akin lang naman,” dagdag pa nito.


Matatandaan na mismong mga fans na pumasok sa dressing room ang nagbahagi ng video kung saan tila itinaboy sila ng singer dahil hindi sila kasama sa guest list.


Hindi pa rin sila pinagbigyan nito kahit pa sinabi nilang kakilala sila ng isang co-producer ng show.


Subalit ayon sa update na ibinahagi mismo ni Lea Salonga, itinanggi ng sinasabing producer na kakilala niya ang tatlo.


“The person whose name they were naming as their producer friend has no idea who they are. I asked her, and she’s seen the video (all our producers have, as well as company management, house management and security). She had no idea who they were. I was giving the benefit of the doubt until the moment I heard back from her.”


Nauna nang naglabas ng pahayag ang isa sa mga fans na pumasok sa dressing room ni Lea Salonga. Hiniling niya na sana ay i-judge sila fairly ng mga followers ni Lea Salonga.


Sa kabila nito, nakakatanggap pa rin siya ng pambabatikos sa ginawang pagpasok sa dressing at hindi na lamang umano naghintay sa labas kagaya ng iba pang fans ng singer.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo