Janice Jurado, Inamin Na Masama Ang Loob Kay Coco Martin Dahil Hindi Naisama Sa Ang Probinsyano!

Linggo, Hulyo 23, 2023

/ by Lovely


 Aminado ang dating sexy na si Janice Jurado na sumama ang kanyang loob sa Kapamilya actor at director na si Coco Martin dahil hindi umano siya sinali nito sa series adaptation ng hit movie ni Fernando Poe Jr. na Ang Probinsyano.


Ayon kay Janice Jurado sa isang panayam, sumama ang kanyang loob kay Coco Martin dahil ilang beses umano niya itong kinontak at ilang beses niyang hiniling na mapasama sa longest running teleserye na Ang Probinsyano.


Sa kabila nito, hindi pa rin siya pinagbigyan ni Coco Martin hanggang nagwakas na ang nasabing teleserye.


“Gabi-gabi talaga akong sumusulat sa kanya, tumatawag sa kanya, natapos at natapos ang ‘Ang Probinsyano’, medyo sumama ang loob ko kasi hindi niya ko pinansin.”


Subalit, nang magkita umano sila sa personal ay ipinaliwanag naman ni Coco Martin ang dahilan kung bakit hindi siya nito isinama sa teleserye.


“Noong nagkita na kami, pinaliwanag niya kung bakit, at tama rin naman,” lahad ni Janice.


Ayon sa dating sexy actress, ipinaliwanag sa kanya ni Coco Martin na kaya hindi siya nito pinagbigyan dahil kasama rin sa cast ang totoong asawa ni Fernando Poe Jr. na si Susan Roces.


Matatandaan na kamakailan lamang ay isiniwalat ni Janice Jurado sa publiko ang pagkakaroon nila ng 'secret affair' ni Fernando Poe Jr. na tumagal pa ng pitong taon.


Idinetalye pa ng actress kung paano nila tinago ang kanilang relasyon sa publiko at maging sa maybahay ni Fernando Poe Jr. na si Susan Roces.


Sa kabilang banda, inamin din ni Janice Jurado na sinabi niya mismo sa anak ni FPJ na si Lovi Poe ang kanilang relasyon. Hindi naman umano nagalit sa kanya ang actress.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo