Jake Ejercito Aminadong Na Pressure Na Makatrabaho Si Kim Chiu

Huwebes, Hulyo 13, 2023

/ by Lovely


 Nangunguna ngayon sa mg TV shows ng Pilipinas na ipinapalabas sa Prime Vidoe ang show na pinagsamahan ni Jake Ejercito at Kim Chiu na pinamagatang Fit Check, Confession of The Ukay Queen ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at Prime Video.


Ang nasabing digital series ang unang pagtatambal nina Kim Chiu at Jake Ejercito. Kaya naman aminado si Jake na nakaramdam siya ng pressure na makatrabaho sa unang pagkakataon ang Kapamilya actress.


"Noong una kong nalaman na I will be teamed up with Kim, na-pressure ako kasi syempre, it's Multimedia star Kim Chiu. We actually did a couple of workshop before kami nagstart which really help na ma-break ang ice."


Samantala, naghanap naman din ng paraan si Kim Chiu na maging komportable sa kanya si Jake Ejercito sa set.


Sa serye, ginampanan ni Kim ang karakter na si Melanie, isang aspiring dashion designer na iniwan ng kanyang ina. Nagbibinta naman si Melanie ng mga ukay-ukay na damit bilang hanap buhay.


Ginampanan naman ni Jake ang papel ng isang young executive na nakapansin sa magaling na talento ni Melanie.


Samantala, isinabuhay naman ni Kim ang kanyang karakter na napapamahal sa mga ukay-ukay sa pamagitan ng pagsusuot ng basahan inspired dress at iba pang damit na gawa ng mga local designers.


Nakatanggap naman ng mga positibong komento mula sa mga netizens ang ginawa ni Kim Chiu.


Sa presscon ng kanilang serye, inamin din ni Jake Ejercito na labis siyang na overwhelmed nang malaman na si Kim Chiu ang itatambal sa kanya. Nakadagdag rin dito ang iba pa nilang makakasama na mga kilala ring magagaling na artista. Kagaya na lamang nina Christopher De Leon, Angel Aquino.


Bagama't pressure at overwhelmed, malaki pa rin ang pasasalamat ni Jake Ejercito sa mga bosses ng ABS-CBN sa pagtitiwala sa kanya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo