Nagbigay na ng pahayag ang Kapuso actor na si Jak Roberto at nilinaw ang totoong dahilan umano kung bakit solo siyang rumampa sa red carpet noong GMA Gala 2023.
Tila ipinagtatanggol umano nito ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza na nauna nang nakatanggap ng pambabatikos dahil sa pambabalewala umano nito sa kanyang boyfriend na si Jak para sa loveteam nila ni David Licauco.
Matatandaan na maraming mga netizens ang naawa kay Jak Roberto dahil nagmistulang wala umano itong girlfriend dahil hindi ito pinili ni Barbie Forteza.
Samantala, para maging malinaw na ang mga isyu, nagbigay na ng pahayag ang actor na si Jak Roberto kung saan nilinaw niya ang totoong dahilan kung bakit solo siyang rumampa sa red carpet.
Ayon kay Jak Roberto sa isang panayam, mutual decision nila ng kanyang girlfriend na si Barbie Forteza na solong rarampa sa GMA Gala 2023 upang ma-emphasize ang kanilang mga damit na isinuot.
“Nag-usap kami na kailangan solo-solo kami na dumaan sa red carpet para mas ma-emphasize ‘yung damit at makapag thank you sa designers, mas may spot kumbaga,” pahayag ni Jak Roberto.
Gayunpaman, marami pa rin ang hindi naniniwala ito lang ang dahilan ng dalawa dahil na-emphasize pa rin naman ang mga damit nang rumampang couple.
Marami rin ang nagsasabing tila hindi nag-uusap sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa party pero ilang beses umanong namataan sina David Licauco at Barbie Forteza na nagkaka-usap at sila rin umano ang nagkakasama.
Dahil dito, naglabasan ang ilang mga memes online kung saan tinatawag na 'immune to jealousy' si Jak Roberto.
Sa kabilang banda, marami pa rin ang humahanga kay Jak Roberto sa pagiging supportive boyfriend nito kay Barbie Forteza sa gitna ng kasikatan dahil na rin sa pagsikat ng 'BarDa' loveteam.
nagusap na daw sila na solo solo sila mag-rered carpet to put emphasis on the clothes and their own spot and more time to thank the designers
— offline (on vacation) (@thewindisyou) July 25, 2023
sana okay na ang mga affected pic.twitter.com/qd0XfD3axl
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!