Agad na napansin ng ilang mga netizens na nag-iisa lamang si Jak Roberto sa kanyang pagdating sa nasabing event.
Labis itong ikinadismaya ng mga fans nila ni Barbie Forteza dahil naunang inakala nila na si David Licauco ang pinili ni Barbie na maging date.
“Bigla akong naawa kay Jak.”
“Manifesting lahat ng BarDa (Barbie David) fans ay matulad sa sitwasyon ni Jak. Hindi pwede si Jak lang ang magsuffer sa pagiging delulu (delusional) niyo.”
“Ako lang ba? Yung na disappoint na medyo nahurt na makitang di magkasama ang JakBie sa GMA Gala?”
Bagama't hindi naman nagkasama sina Barbie Forteza at David Licauco hindi pa rin naiwasan ng mga JakBie fans na madismaya kay Barbie at maging sa GMA Network. Dahil marami naman sa mga real life celebrity couple ang magkadate sa pagpunta sa nasabing event.
“Anlala naman pala maghandle ngayon netong gma sa mga LOVETEAM lol. Imagine Jak Roberto walking alone sa red carpet eh mga ibang couple nga like GabLil eh sabay pati sina Paul Salas at Mikee eh tapos ngayon speculation eh sabay daw sina Barbie at David. Awit.”
Marami rin ang pumuna kay Barbie Forteza sa pagpapahalaga nito sa kanyang love team at pagsunod sa mga kagustuhan ng mga BarDa fans. Kung saan nagiging unfair na umano ito sa kanyang boyfriend.
“To be honest, Barbie is going too far. Sumosobra sa fan service.”
“Nainis ako kay Barbie dito masyadong pinahalagahan ang loveteam nila ni David pinili maging solo instead samahan ang bf niya.”
“Hiwalayan mo na yan parang ikaw pa naging 3rd wheel.”
Samantala, may mga nagsasabi pa na ang ginagawa ngayon ni Barbie Forteza, David Licauco at ng mga BarDa fans ang nagpapatunay sa sinasabi ni Liza Soberano na toxic loveteam culture ng Pilipinas.
“This is what Liza Soberano is talking about. The love team culture in the Philippines is very toxic.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!