Isa ang Kapamilya actress at vlogger na si Ivana Alawi sa mga sikat ngayon na nagsimula rin sa pagsali at pagbabakasakali sa pag-audition noon.
Inamin din ni Ivana Alawi na ilang beses din siyang nareject sa mga sinasalihang auditions. Subalit, hindi siya sumuko at patuloy lamang sa pag-abot sa kanyang pangarap.
Samantala, sa kamakailang vlog ni Ivana Alawi, ibinahagi niya na si Barbie Forteza ang hindi niya makakalimutang Kapuso stars noong nasa GMA Network pa siya.
Matatandaan na bago sumikat si Ivana Alawi sa Kapamilya network at sa larangan ng vlogging gumawa muna siya ng ilang mga acting stints sa GMA Networks.
Kaya naman may mga nagtatanong sa kanya kung sino sa mga Kapuso stars ang pinakamabait. Agad naman itong sinagot ni Ivana na si Barbie ang pinakahindi niya malilimutang Kapuso stars.
“Si Barbie Forteza, hindi ko siya malilimutan,” saad ni Ivana.
Paliwanag pa ni Ivana, “Kasi, maraming maldita sa akin noong nag-start pa lang ako sa GMA, as in maraming masusungit. Alam mo ‘yon…”
Dagdag pa ni Ivana Alawi, “Ayaw kaming bigyan ng pwesto, ayaw din kaming bigyan ng pagkain, tapos sinusungitan kaming mag-ina, basta marami… and then, pinaka naging mabait sa akin na hindi ko malilimutan, hindi ko pa siya nakakausap after, pero si Barbie Forteza.”
Samantala, hindi naman binanggit ni Ivana Alawi kung sino sa mga Kapuso stars ang naging masungit sa kanya noon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!