Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media sites ang balitang matagal nang nagkaroon ng isyu sa pagitan ni Heaven Peralejo at Ivana Alawi.
May nagsasabi pang matagal na ito at si Heaven rin umano ang tinutukoy ni Ivana sa kanyang naging pahayag noong contract signing niya sa ABS-CBN.
Tila ginamit pa umano ni Ivana Alawi ang isyu nila noon ni Heaven para lamang may masabi siya sa kanyang presscon.
“Merong umaway sa akin pero never akong nakipag-away sa kanila. Hindi ko pinapatulan. Meron din sa recent show namin.
“Pero alam mo yun, I will not stoop down to your level. Kung gusto mong makipag-away mag-isa ka. Pero hindi ko siya kakausapin. Hindi ko rin paplastikin,” pahayag ni Ivana Alawi sa kanyang presscon.
Ang tinutukoy pa umanong recent show ni Ivana ay ang Family Affair, ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, hindi umano pumayag si Ivana na magkasama sila ni Heaven sa iisang dressing room.
Marami pa umanong mga ibinigay na dahilan si Ivana para lamang hindi niya makasama si Heaven. Ganundin naman umano kay Heaven, hindi rin umano ito pumayag na makasama si Ivana sa iisang dressing room.
Hindi naman lumabas ang isyung ito noon kaya naman napapatanong ang source ngayon kung bakit tila binabalikan ni Ivana ang matagal nang isyu.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!