It's Showtime Hosts Nag-Enjoy Sa GMA Gala!

Linggo, Hulyo 23, 2023

/ by Lovely


 Kabilang sa mga dumalo sa naganap na GMA Gala 2023 sa Marriott Hotel ng Pasay City nitong Sabado ng gabi ang mga It's Showtime hosts.


Magkasabay na dumating sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro and Jhong Hilario.


Samantala, masaya namang ibinahagi ni Vice Ganda sa kanyang Instagram stories ang ilang mga kaganapan sa party kung saan makikita siyang nag-eenjoy sa pakikipaghalubilo sa ilang mga Kapuso stars.


May mga kumakalat ring video kung saan maririnig pang tinawag ni Vice Ganda na 'idol' si Bitoy.


Matatandaan na sa paglipat ng It's Showtime sa GTV, nabuksan na rin ang pagkakataon na makasama ng mga It's Showtime hosts na makita sa ilang mga program at shows ng GMA7.


Samantala, marami naman ang napapatanong kung nagkita na ba sa personal sina Vice Ganda at Jessica Soho. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang naging isyu noon sa pagitan ng dalawa.


Matatandaang, ikinumpara noon ni Vice Ganda si Jessica Soho sa isang lechon. Matapos makatanggap ng kaliwa't kanang pambabatikos, humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay Jessica.


Agad naman itong sinagot ni Jessica Soho kung saan hiniling niya na sana ay mula sa puso ang paghingi ng tawad ni Vice Ganda.


Samantala, dahil matagal na nang mangyari ang insidenteng ito, marami ang nagsasabing baka ay nalimutan na ng dalawa ang nangyaring isyu sa pagitan nila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo