Ito Pala Ang Tunay Nangyari Sa Glam Team Ni Heart Evangelista

Miyerkules, Hulyo 26, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media at nagtataka rin ang ilang mga netizens kung bakit nag-iba na ang glam team ng fashion socialite na si Heart Evangelista.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kadalasan bahagi ng kanyang entourage ang kanyang glam team, kabilang na ang kanyang make-up artist na si Justine Soriano at hairstylist na si Jeck Aguilar.


Kadalasan ay kasama rin ni Heart ang mga ito sa kanyang trabaho sa Paris.


Subalit nitong mga nakaraang buwan ay tila hindi na namamataang kasama ni Heart Evangelista ang dalawa. Noong nakaraang Marso pa ang huling post ng dalawa sa ginawa nilang look kay Heart Evangelista.


Tila nakumpirma naman ang mga haka-hakang ito dahil iba na ang nag-ayos kay Heart sa naganap na GMA Gala 2023 at 2nd SONA ng Pangulo.


Bukod dito, marami rin ang nakakapansin na hindi na nakafollow sina Heart Evangelista at dalawang glam team na sina Joshua at Jeck.


Dahil dito, hindi naiiwasang mapatanong ng ilang mga netizens kung bakit nawala na lamang bigla ang dalawang glam team.


Ayon sa mga kumakalat na balita, tinanggal umano ni Heart Evangelista ang dalawa dahil ginagamit nito ng walang pahintulot ang kanyang mga credit cards, maging ang ilang mga kinitang pera ng actress ay ginagamit umano ng walang pahintulot.


Agad naman itong pinabulaanan ni Justine, ipinagdidiinan din niya na hindi nila kailangang gamitin ang credit card ni Heart dahil may sarili naman umano sila.


Dahil sa pahayag na ito ng dating glam team ni Heart, lumabas naman ang isyung hindi na naging maayos ang pagtrato ng aktres sa dalawa.


Hiling naman ng dalawa na sana ay itigil na ang pagpapalaki ng isyu at pabayaan na lamang sila at ang actress na si Heart Evangelista.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo