Tila hindi na papakawalan pa ng mga Jalosjos sina Paolo Contis at Isko Moreno. Nagustuhan umano ng mga ito ang performance ng dalawa sa show nilang Eat Bulaga sa GMA7.
Kaya naman pinapirma na nila ang dalawa ng kontrata para sa mahabang panahon na kanilang pagsasama sa Eat Bulaga.
Noong July 8 naganap ang contract signing ng mga hosts ng Eat Bulaga na sina Paolo Contis at Yorme Isko Moreno. Ang kanilang permahan ng kontrata ay nagana APT studios.
Makikita sa mga ibinahaging nilang pictures, na naroon ang magkapatid na sina Jon Jalosjos ang CEO ng TAPE Inc., at si Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, na Chief Finance Officer ng kumpanya.
Masaya naman silang tingnan na tila ba nagkaroon sila ng pag-asa na magtatagumpay ang kanilang show matapos na makita at masaksihan ang pag-angat ng kanilang ratings. Sa kabila nito, nahihirapan pa rin silang habulin ang ratings ng E.A.T sa TV5 habang patuloy naman halos magkapantay ang kanilang ratings sa Eat Bulaga.
Gayunpaman, malaking bagay na umano ang mga nakikita nilang improvemnet sa programa at dahil ito sa effort ng kanilang mga hosts particular na sina Paolo Contis at Yorme Isko Moreno. Kaya naman, nagdesisyon na ang pamilya Jalosjos na bigyan sila ng security at ito ay sa pamamagitan ng pagpirma sa kontrata.
Ayon pa sa aming nasagap na impormasyon, long term agreement umano ang kanilang pinirmahang kontrata, ibig sabihin matagal na magsasama-sama sina Isko at Paolo sa show bilang mga main host ng Eat Bulaga.
Matatandaan na nauna nang naiulat na hanggang next year pa 2024 ng partnership ng TAPE at GMA7, pero dahil pumirma ng long term contract sina Isko at Paolo, hinuha ng mga netizens, na looking forward pa rin ang mga Jalosjos na pumirma ng bagong kontrata sa GMA7 bago ma-expire ang kanilang contract bilang block timer sa nasabing network.
Pinabulaanan din ng kampo ng mga Jalosjos ang kumakalat na balitang, matsutsugi na sila sa GMA7. Ayon sa kanila, wala umano ito ng katotohahan lalo at tumataas nang muli ang ratings ng kanilang show sa araw araw.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!