Isko Moreno at Paolo Contis Binati Ang TVJ sa Pagkakaroon Ng Panibagong Tahanan

Linggo, Hulyo 2, 2023

/ by Lovely


 Agad na binati ng bagong Eat Bulaga hosts na sina Isko Moreno at Paolo Contis ang TVJ sa unang araw na ipinalabas ang kanilang show sa TV5.


Ayon pa sa kanila, napaka espesyal na araw ang July 1, hindi para sa kanila kundi para sa kanilang mga katapat at mga televiewers.


Nilinaw din ni Paolo Contis na wala silang balak na makipagkompetensya sa kanilang mga katapat bagkus ay nasisiyahan pa umano sila dahil marami nang pagpipiliian ang mga manonood.


“Mga Kapuso, espesyal tong Sabadong to para sa Eat Bulaga! dahil masasabi natin, eto ang bagong era ng noontime television habit ninyo. Alam naman natin, alam ko updated kayo sa mga nangyayari at nag-aabang kayo. Gaya ninyo, excited din po kami.”


“Para sa karamihan, isa itong malaking kumpetisyon. Pero para sa programa gaya ng Eat Bulaga! na 44 years na po na nagpapasaya, hindi po ito kumpetisyon, pero ito po ay aming inspirasyon,” pahayag ni Paolo Contis.


Samantala, binati naman ni Isko Moreno ang TVJ sa pagkakaroon ng panibago nilang tahanan sa TV5. Masaya umano si Isko Moreno dahil mas marami nang pagpipilian ang mga tao.


“Tito Sen, Vic, and Joey, and their Dabarkads, congratulations sa inyo. Masaya kami may bago na kayong tahanan. Masaya kami kasi marami nang pagpipilian ang tao. At least, ang noontime show ngayon, para nang buffet, marami ka nang choices.”


“Taus-puso, sampu ng aming mga kasama, staff, production, the mangement TAPE Inc., we warmly welcome and congratulate Tito, Vic, and Joey. Congratulations po sa inyo!” pahayag ng dating Manila Mayor na si Isko Moreno.


Samantala, nagbigay din sila ng mensahe sa It's Showtime na ipinapalabas na rin sa GTV. Binati rin nila ito at tinawag pang kapitbahay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo