Ion Perez at Vice Ganda, Pinatawag Ng MTRCB Dahil Sa Kanilang Icing Incident Sa Isip Bata Segment

Lunes, Hulyo 31, 2023

/ by Lovely


 Pinatawag ng MTRCB ang dalawang tao sa likod ng It's Showtime, bukod sa dalawang hosts na sina Vice Ganda at Ion Perez.


Ito ay kasunod ng mga reklamo ng ilang mga netizens sa ginawa nila sa isang episode ng It's Showtime sa harap pa mismo ng mga bata.


Agad na nag-viral sa social media sina Ion Perez at Vice Ganda at umani ng samu't-saring pambabatikos dahil sa paraan ng pagkain nila ng cake icing na inihain sa kanila para sa isang segment ng It's Showtime.


Tinawag ng MTRCB na ‘di umano’y malaswa ang ginawa nina Ion at Vice, ninanais din nila na ipaliwanag ng dalawa kung bakit nila ito nagawa upang hindi sila maparusahan.


“The Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) issued a Notice to Appear and Testify to the Producers of the noontime variety show “It’s Showtime” over complaints concerning scenes that portrayed alleged indecent acts by hosts Vice Ganda and Ion Perez during the variety show’s “Isip Bata” segment which aired last 25 July 2023 on channels GTV and A2Z DZOZ/DZOE 11.”


Ayon pa sa MTRCB, nilabag nina Ion Perez at Vice Ganda ang Seksyon 3 (c) Presidential Decree No. 1986, na nagbabawal sa pagpapakita ng ‘immoral, indecent’ acts sa telebisyon.


Kapag napatunayan ang paglabag nina Ion Perez at Vice Ganda, maari silang makulong o di kaya ay magkapagbayad ng fines.


Bukod rito, maari ring ma-suspend ang pagpapalabas ng show na It's Showtime.


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng It's Showtime. Hindi pa rin nagsasalita sina Vice Ganda at Ion Perez hinggil rito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo