Hindi Patas!! MTRCB Lala Sotto Tinira Ng Netizens Matapos Ipatawag Si Vice Ganda!

Lunes, Hulyo 31, 2023

/ by Lovely


 Naglabas na ang MTRCB ng Notice to Appear and Testify sa producers ng Kapamilya noontime show na It's Showtime ngayong araw July 31, 2023.


Ito ay dahil sa natanggap nilang patong-patong na reklamo mula sa ilang mga televiewers na sinasabing may hindi tamang ginawa ang dalawang hosts na sina Ion Perez at Vice Ganda sa isang segment ng show na ipinalabas noong July 25, 2023.


Nagpapakita umano ang dalawang hosts ng 'indecent acts' sa harap ng mga batang guest hosts at maging sa mga kabataang manonood ng show.


Subalit, hindi nagustuhan ng ilang mga It's Showtime fans at maging ng mga fans nina Vice Ganda at Ion Perez. Sinasabi nilang hindi ito patas dahil gumawa rin umano ng 'indecent acts' sina Tito Sotto at Helen Gamboa sa isang episode ng E.A.T noong July 29, 2023.


Kumakalat din ngayon ang video kung saan makikitang hahalikan ni Tito Sotto si Helen Gamboa sa labi hindi naman niya ito tinuloy at sinandal na lamang ang kanyang ulo sa balikat ni Helen na kung titingnan ay leeg naman ng asawa ang hinahalikan habang naka-live.


Naidawit pa ang pangalan ng MTRCB chairperson na si Lala Sotto, na anak ni Tito Sotto, ayon sa mga netizens naging biased ito at hindi pinatawag ang sariling ama.


Ayon pa sa mga netizens, hindi makatarungan na sina Vice Ganda lamang at Ion Perez ang pinatawag gayung nang gawin din ni Tito Sotto at Helen Gamboa ang kanilang lambingan sa E.A.T ay naroon din ang ilang kabataang guests at nakikita rin umano ito ng mga kabataang nanonood ng live.


Maging ang motivational speaker na si Rendon Labador ay ipinahayag rin ang kanyang pagkadismaya sa ginawa ni Tito Sotto. Tinawag pa niya ang pansin ng MTRCB chair at anak ni Tito Sotto na si Lala Sotto.


Caption ni Rendon sa kanyang video post, "TATAY MO O KAPAKANAN NG PILIPINAS??? MTRCB Chair Lala Sotto!!! Kaya mo din bang ipatawag ang tatay mo para i-tama ang mali? TVJ akala ko ba wholesome kayo?🤦‍♂️ Ano ba ngyayari sa mga noontime shows natin ngayon at puro na kabastusan???" 





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo