Hindi Babae Ni Ricci Rivero, Hub@d Nang Datnan Ni Andrea Sa Kwarto

Linggo, Hulyo 2, 2023

/ by Lovely


 Bagama't ayaw nang magsalita ni Andrea Brillantes at maglabas ng saloobin sa nangyaring hiwalayan nila ng dating nobyo na si Ricci Rivero, tila hindi naman napigil ng kaibigan nitong si DJ JhaiHo na isiwalat ang kanilang napag-usapan para kahit papano ay maibsan ang natatanggap na batikos ng aktres.


Ayon kay DJ JhaiHo, agad niyang naitanong kay Andrea upang malinawan siya sa mga isiniwalat ni Ricci Rivero sa Fast Talk With Boy Abunda.


Pareho umano niyang kaibigan ang dalawa kaya naman wala siyang pinapanigan sa mga ito.


Ayon kay DJ JhaiHo, sinabi umano mismo sa kanya ni Andrea Brillantes na maraming hindi sinabi si Ricci sa interview nito sa Fast Talk, tila kinalimutan umano nito ang ilang mga detalye sa buong nangyari.


Hindi umano nito sinabi na ang babaeng nadatnan niya sa mismong kwarto ni Ricci Rivero ay nakahubad. Tulog rin umano sa mga panahong iyon ang lalaki.


"Lol. Nakalimutan niya atang sabihin na hubad kong nadatnan yung girl. Tulog siya. Di daw nila alam ang nangyari, lasing sila. Hindi niya minention. Madami pa siyang hindi minention," pahayag umano ni Andrea.


Matatandaan na sa naging interview ni Ricci Rivero sa Fast Talk with Boy Abunda, mahigpit niya pinabubulaanan at itinanggi ang sinasabing babae na nadatnan ni Andrea sa bahay.


Ayon kay Ricci, hindi niya babae iyon at wala umanong nangyari sa kanila dahil ang kaibigan umano niya ang nagdala rito.



@djjhaiho Andrea Brillantes may reactions sa FTWBA interview ni Ricci Rivero!!! Bugsh! Mag subscribe na sa @MaritesUniversity ♬ original sound - JhaiHo

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo