Herlene Budol Walang Mararating Dahil Sa Attitude Nito!

Huwebes, Hulyo 27, 2023

/ by Lovely


 Muling nagbigay ng kanyang saloobin ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin, patungkol sa diumano'y totoong katangian ng actress-beauty queen na si Herlene Budol.


Ayon kay Cristy Fermin, si Herlene Budol ay isa umano sa halimbawa ng mga taong nalunod sa isang kutsarang tubig. Ito ay ang mga taong matapos makatikim ng kunting karangyaan sa buhay ay nagbago na ang mga ugali.


Matatandaan na kamakailan lamang ay ginulat ni Wilbert Tolentino ang lahat nang ianunsyo niyang nagresign na siya bilang talent manager ni Herlene Budol. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na natamasa ngayon ni Herlene ang karangyaan at kasikatan dahil sa pagtulong sa kanya ni Wilbert Tolentino.


Itinuturing pa noon si Wilbert bilang real life fairy god mother dahil sa transformation na ginawa nito kay Herlene. Kaya naman naging palaisipan sa lahat at nakukulangan ang ilang mga netizens sa ibinigay niyang dahilan sa kanyang pagreresign.


Samantala, sa isang episode ng Cristy Ferminute, natalakay nina Cristy Fermin at Romel Chika ang anila'y totoong dahilan ng pagreresign ni Wilbert Tolentino bilang talent manager ni Herlene Budol.


Ayon kay Cristy Fermin, isa sa mga pinaniniwalaan niyang dahilan sa pagreresign ni Wilbert Tolentino ay ang napapabalitang ugali ni Herlene Budol sa kanyang mga projects at appointments.


Noon pa man umano ay marami na silang nababalitaang hindi maganda patungkol sa actress-beauty queen.


Dahil dito, hindi maiwasan ni Cristy Fermin na ipahayag ang kasabihang 'nalunod sa isang kutsarang tubig' si Herlene Budol dahil na rin sa kanyang mga tinatamasang karangyaan at tagumpay.


Ito rin umano ang naging dahilan kung bakit nagbago na ang pag-uugali nito.


Tila hindi na rin umano nagugustuhan ni Wilbert Tolentino ang mga pagrereklamo ng ilang mga artista dahil palaging late kung dumating si Herlene sa set.


Palagi lamang umanong idinadahilan ni Herlene ang pagkakaroon ng ibang appointments at mga contest na sinasalihan.


Naniniwala rin si Cristy Fermin na walang mararating si Herlene Budol dahil nabago umano kaagad ng kanyang kasikatan ang kanyang pag-uugali.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo