Hindi pa man nagsisimula kagabi ang Miss Grand Philippines Final Show ay ibinahagi na ni Herlene Budol sa kanyang social media post na labis na siyang kinakabahan sa magiging resulta ng pageant.
"And the show is about to begin @msgrandphilippines 2023. Lord kayo na po bahala kay Hipon Girl nyo. Kung ano man kinalabasan ng aking performance at resulta! Sana andyan pa din kayo mga KaSquammy ko para Suportahan ang nag iisang Hipon ng buhay nyo! I love u all from the bottom of my heart."
Inamin rin ni Herlene Budol sa kanyang post na nadala na siya at tila natrauma sa pinagdaanang bashing noong press conference ng Miss Grand Philippines.
Kaya naman isinasa-Diyos na lamang niya ang lahat ng maaring kahihinatnan niya sa nasabing competition.
“Nerve racking na po ang aking nararamdaman ngayon at kabog ng dibdib ay may halong kaba at takot ako ma bash kung mag ka mali. Please pray for my best performance for tonight competition mga KaHiponatics."
Gayunpaman, hindi niya kinalimutan na magpasalamat sa itinuturing niyang advicer na si Madam Inutz at ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino na palagi umanong nasa tabi niya.
“Thank you to my Advicer @madaminutz20 at Mima ko na andyan lang para sa akin @sirwil75.”
Napansin naman ng mga netizens ang kaba ni Herlene habang nasa stage, gayunpaman hindi rin maitatanggi na napakalaki ng improvement ni Herlene.
Marami rin ang napahanga sa kanyang pasarela at kung gaano siya ka confident sa pagdadala ng kanyang swimsuit at evening gown.
Sa huli, nasungkit ni Herlene Budol ang korona ng Ms. Philippines Tourism.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!