Ilang araw matapos ipahayag ni Wilbert Tolentino ang kanyang pagbibitiw bilang talent manager ni Herlene Budol, inanunsyo ng actress beauty-queen na hindi na rin siya sasali sa anumang pageants.
Hindi na umano niya ipagpipilitan ang kanyang sarili sa pagsali ng mga beauty pageant dahil na rin umano sa mga pambabatikos na kanyang natanggap.
Ibinahagi niya sa kanyang mga fans ang kanyang major decision sa pamamagitan ng isanng vlog.
Ayon kay Herlene Budol, na-realize umano niya ang mga criticisms na natanggap niya mula sa pageant fans na nagsabi sa kanya na hindi siya competent enough para maging beauty queen.
“Nasasaktan lang po ako kasi parang totoo po ‘yung sinasabi niyo na parang pinipilit ko lang po talaga na sumali, na hindi ko po deserve, nagsusubok lang po ako,” emosyunal na pahayag ni Herlene Budol.
Dagdag pa ni Herlene, “Nagsusubok lang po ako na abutin ‘yung mga pangarap ko, na magkaroon po ako ng crown, na ma-represent ko po ‘yung Pilipinas pero hindi ko po pala kaya.”
Humingi rin ng paumanhin si Herlene sa naging performance noong Q and A portions ng Ms. Grand Philippines.
“Humihingi po ako ng sorry sa inyong lahat. Sa mga may ayaw po sa ‘kin, titigil na po ako. Hindi ko na po ipipilit ‘yung sarili ko.”
Sa kabila nito, nilinaw naman ni Herlene Budol na ipagpapatuloy pa rin niya ang pagbibigay saya sa mga netizens at sa mga taong sumusuporta sa kanya.
Matatandaan na hindi pa rin malinaw kung anong international pageant ang sasalihan ni Herlene matapos mapostpone ang Miss Tourism World 2023 dahil sa isyu sa pagitan ng ALV Pageant at Hiyas ng Pilipinas.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!