Patuloy pa ring nakakatanggap ng pang-ookray at pambabatikos ang beauty queen-actress na si Herlene Nicole Budol matapos niyang ilabas ang kanyang paliwanag kung bakit hindi siya ngumiti ng kinoronahan siyang Ms. Philippine Tourism.
Matatandaan na marami sa mga netizens ang nakapansin na tila hindi naging masaya si Herlene sa pagtawag sa kanyang pangalan bilang Ms. Philippines Tourism, hindi rin ito ngumite habang ipinuputong sa kanyang ulo ang korona.
Marami rin ang nagsasabing habang kinokoronahan ang naging Ms. Grand Philippines ay nakasimagot lamang si Herlene sa gilid.
Hindi naman nakatiis ang ilang mga netizens at hayagan nang tinanong si Herlene kung bakit ito malungkot. Agad naman itong sinagot ni Herlene na umano'y malungkot siya dahil sinayang siya ni Angkol. Matatandaan na 'angkol' ang tawag ng mga pageant fans kay Mr. Nawat Itsaragrsil, ang pageant ng Miss Grand International.
“Bakit malungkot ang beshie ko?”
“Kase sinayang ni angkol kaya Sa ms tourism tayo tatambling ng bongga.”
Hindi naman nagustuhan ng maraming fans ang sagot na ito ni Herlene dahil napakayabang umano nito gayung hindi naman ito matalino. May mga nagsasabi pang dapat nang i-ban si Herlene sa mga pageant dahil sa pagiging toxic nito. Halata umano sa mukha nito na hindi siya masaya na hindi siya ang hinirang bilang Ms. Grand Philippines.
Hindi din umano ito deserving sa Ms. Philippines Tourism crown dahil may mga kandidata pang mas deserving rito. Ilang beses din umano itong sumablay sa competition. May mga nagsasabi pang ginagamit lamang ng Ms. Tourism ang malakas na hatak ni Herlene sa tao kaya siya ang ginawang winner.
“Woooow ang taas naman ng confidence ni beshie. Coming from you talaga teh? Yabang ha.”
“Paki-ban nga ito sa mga beauty pageant please.. kahit yun sa barangay level.”
“Hanggang ngayon di ko talaga maisip paano sya nanalo may mas deserving sa spot niya. Or napaganda lang ng interpreter yun sagot niya kaya akala nun mga judges maganda talaga sagot niya. Bagay lang sya sa pageant na walang Q&A yun awrahan lang medyo dun sya magaling.”
“Ungrateful pa nga! Whaha! Tapos pagna-bash sasabihin nagpapakatotoo lang siya. Well kami rin, nagpapakatotoo lang na hindi niya deserve even the Miss Tourism crown with her performance that night.”
“Jusq akala mo kung sinong magaling e ang kalat naman. Bagay talaga silang mag beshie ni pahidera.”
“Paano naman siya mananalo, eh kahit Tagalog yung tanong, hindi niya masagot nang maayos?”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!