Nagkomento si Herlene Budol sa mismong post ni Wilbert Tolentino kung saan ipinahayag nito ang kanyang resignation bilang talent manager ng beauty queen.
Ipinahayag ni Herlene Budol ang kanyang pagmamahal kay Wilbert Tolentino at pinasalamatan din niya ito sa lahat ng mga naitulong nito sa kanya.
Nangako rin si Herlene na isasaisip at isasapuso niya ang lahat ng mga payo at pangaral sa kanya ni Wilbert. Hiling din niya ang mabuting kalusugan para sa kanyang dating talent manager.
“Salamat Sa lahat mima Dito padin ako walang mag babago ilove you forever. I’m still your babygirl good health lang and enjoy palagi. Mahal kita,” komento ni Herlene.
Sa ibinahaging Facebook post ni Wilbert Tolentino, isiniwalat niyang hindi na siya ang magiging talent manager ni Herlene Budol mula sa August 1.
Idinetalye naman niya ang dahilan kung bakit pinili niyang magresign bilang manager ni Herlene kahit pa nasa rurok ito ng kasikatan ngayon.
Kamakailan lamang ay nanalo si Herlene Budol at itinanghal bilang Ms. Philippines Tourism 2023. Kahit pa hindi siya ang magrerepresent sa Pilipinas sa darating na Miss World Tourism pageant sa London. May sasalihan pa rin siyang international pageant na hindi pa inaanunsyo sa ngayon.
"Mahirap man gawin, halos matagal ko din pinagisipan. Subalit kailangan ko ng pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan, at bigyan oras ang aking anak dahil una sa lahat tumatanda na si KaFreshness, at higit akong kailangan nya lalo't lumalaki na siya.
"Di lingid sa lahat, na bilang Talent Manager, ito ay ubos-oras na tungkulin.
Kulang ang bente kwatrong oras sa isang araw para sa sarili kong buhay. Walang kapantay ang bawat hamon na aking naranasan, matupad lamang ang aking mga sinumpaang tungkulin para kay Herlene."
Samantala, hindi pa rin naniniwala ang ilang mga netizens na walang isyu sa pagitan ng dalawa dahil na rin sa mga naunang cryptic post ni Wilbert Tolentino.
May mga nagsasabi na baka umano hinintay lamang ni Sir Wilbert Tolentino na matapos ang Ms. Grand Philippines para tuluyang bitiwan si Herlene.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!