Ibinahagi ng newly crowned Miss Philippines Tourism na si Herlene Nicole Budol ang kanyang honest reaction sa kanyang Question and Answer performance sa naganap na Miss Grand Philippines final show.
Isiniwalat ni Herlene Budol na nawawalan na siya ng pag-asa na manalo dahil sa naging performance niya sa Q and A. Umiiyak na umano siya sa backstage dahil na-trauma na siya at natatakot na muling mabash.
“Na baka hindi ako tawagin dahil pinagtawanan po ako sa Q&A ko. Kanina nga umiiyak na ako sa likod, sabi ko baka ma-bash na naman ako, natatakot po ako. Pero laban lang.”
Gayunpaman, nang mabalikan na niya ang kanyang performance naging satisfied naman siya rito dahil galing umano sa puso ang kanyang sagot.
“Kasi galing po sa puso ko 'yun e. Buong buong puso ko po 'yon na lumabas sa bibig ko, na galing sa puso ko. Wala po akong pinagsisihan."
Gayunpaman, hindi pa rin maitatangging natatakot pa rin siya sa mga masasabi ng mga bashers.
“Natakot lang po ako sa sasabihin ng ibang tao. Pero nandito naman po ako, nakaharap, napipigilan 'yung luha dahil alam ko na sa akin galing 'yon.”
Ibinahagi din niya na galing sa karanasan niya ang kanyang advocy tungkol sa cyber violence dahil naranasan umano niya ito mismo nang labis na i-bash mtapos ang sablay na sagot sa Q and A portion noong Sashing Ceremony ng Miss Grand Philippines 2023.
“Walang pong kahit sinong tao na nakakaalam kung paano po 'yung sakit na dinulot nu'n (cyber violence) sa akin. Kaya maraming salamat kasi lalo po akong lumalakas.”
Agad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na naniniwala sa kakayahan ni Herlene Budol.
"Totoo nga talaga na binabash ng wala sa lugar at hinahamak ay syang mas pinagpapala ng diyos... Congratulations Miss Herlene"
"Congratulations Herlene Nicole Budol for Miss Tourism International and more hakot award.. But ang ini expect ko talaga sa iyo ay ang MGPI. Pero okay na rin at least sa iyo ang Miss Tourism dahil yan ang Professional course mo.. Hurray"
"As part of Tourism industry. She's an assets being ambassador. Don't you get it?
Smart monkey business!
Like watching tv! It attracts people to come in a place.
There's more gilrs deserve the crown . Great business!"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!