Muli na namang nakatanggap ng pambabatikos ang actress beauty queen na si Herlene Nicole Budol dahil sa picture na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.
Base sa art card na ibinahagi ni Herlene, mahihinuhang isa itong thumbnail sa kanyang vlog.
Mababasa rito ang katanungan kung bakit siya iniwan ni Wilbert Tolentino at kung ano na lang ang kanyang sasalihang pageant.
Samantala, marami naman ang pumuna sa graphics na ginamit ni Herlene sa nasabing art card ni Herlene. Napaka plain lamang umano nito.
May mga naghinala naman na ang totoong dahilan ni Wilbert Tolentino sa pagbibitiw bilang talent manager ni Herlene ay dahil sa mga palpak na ginawa nito sa Ms. Grand Philippines pageant.
Matatandaan na labis na binatikos si Herlene dahil sa palpak nitong sagot sa Q and A portion noong sashing ceremony ng nasabing pageant.
Marami pa ang nagsasabing ginawang dog show ni Herlene ang national pageant. Mas nababagay umano rito ang pangbarangay pageant at Ms. Gay.
Kaya naman ayon sa ilang mga netizens na mas pinili na lamang umano ni Wilbert Tolentino na maagang magbitiw bilang manager ni Herlene para hindi na ito madamay sakaling babagsak ang career ni Herlene.
Napapabalita na rin umano na maraming mga katrabaho si Herlene na naiinis rito dahil palagi itong nalilate at nag-iinarte sa set.
"Baka raw be sumama sya sa pag bagsak e sayang mga pinag hirapan nya"
"Nonsense ka kse sayang ng oras sau bobaa"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!