Herlene Budol, Lalaban Pa Rin Para Masungkit Ang Korona Ng MGI Sa Kabila Ng Pambabatikos

Lunes, Hulyo 10, 2023

/ by Lovely


 Sa kabila ng kaliwa't kanang pambabatikos na natatanggap ngayon ng beauty queen-actress na si Herlene Nicole Budol sa kanyang pagsali sa Miss Grand Philippines pageant.


Ayon kay Herlene Nicole Budol, hindi siya dapat na magpaapekto sa mga negatibong komento na natatanggap niya matapos ang palpak niyang pagsagot sa Q and A portion noong press conference ng Miss Grand Philippines.


Dagdag pa ni Herlene na mas may tiwala siya sa kanyang sarili kaysa sa mga opinyon ng kanyang mga bashers. Gagawin na rin lamang umano niyang inspirasyon ang mga pambabatikos at panlalait sa kanya.


"Bakit tayo dapat mag-alala tungkol sa kung ano ang iniisip ng iba sa atin at pag babash, mas may tiwala ba tayo sa kanilang mga opinyon kaysa sa sarili natin? Basta ang Hipon girl nyo ay lalaban at indi susuko at gagawin ko etong motivation para mabigyan pa ng inspirasyon at ipagpatuloy ang buhay natin."


Matatandaan na noon pa mang sumali si Herlene Budol sa Bb. Pilipinas,  hayagan na niyang ipinahayag ang kagustuhan niyang irepresenta ang Pilipinas sa Miss Grand International pageant.


Subalit, hindi siya pinalad dahil itinanghal lamang first runner up ng competition.


Ngayon nabigyang muli ng pagkakataon si Herlene Budol na irepresenta ang Pilipinas sa international pageant, papalarin kaya siyang masungkit ang korona?



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo