Sa isang social media post, ipinahayag ni Herlene Budol ang kanyang kasiyahan dahil sa natanggap niyang korona kahit pa hindi ito ang pinapangarap niya Miss Grand Philippines crown.
Ayon kay Herlene, masaya siyang i-represent ang Pilipinas sa darating na Miss Tourism sa November 2023.
Subalit, tila taliwas naman ito sa naging expression ng kanyang mukha habang kinokoronahan siya bilang Miss Philippines Tourism.
Kaya naman, nagbigay siya ng pabirong pahayag rito. Sinasabi niyang malungkot siya dahil sinayang ni Mr. Nawat Itsaragrisil ang kanyang potential para sa Miss Grand International.
“Kasi sinayang ni Angkol,” pahayag ni Herlene.
Samantala, hindi naman ito nagustuhan ng ilang mga pageant fans dahil lumalabas umanong hindi siya masaya sa kanyang natanggap na korona. May mga nagsasabi ring hindi naman niya deserve ang korona dahil sa kanyang sagot sa Q and A portion.
“For me lang parang ang bitter nung dating nung “Kase sinayang ni angkol”. Wala namang sinayang. Nasobrahan lang siguro yung expectation mo.”
“Maging thankful ka na lng po miss Herlene Hipon Budol at least Ms Tourism ka kahit may mas deserving pa.”
“Buti nga me crown pa…ganun po talaga pag d natin kaya be thankful nlang at maging masaya mas nakakahiya kung international na at kinakabahan sa q and a alam naman natin kung deserving tayo galingan sa q and a para sa susunod masungkit na ang minimithi halata po kcng dis appointed kayo sa lungkot ng mukha nyo e ang tanong deserve nyo po ba alam naman po natin lahat na hindi sorry to say.”
"Mima wag tayong mag mukhang bitter! I support you all the way pero be thankful sa nakuha na crown
Ms.Tourism International is one of the great platform that you can showcase your advocacy, beauty and brain."
"omg😁 tbh mas marami pang mas deserving kesa sayo. Hindi lng pagandahan ng katawan yan . be thankful nlng na napili ka kahet mas marami pang mas matalino at kumakaen tlga ng mic"
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!