Tuluyan nang nagbitiw si Wilbert Tolentiono bilang talent manager ni Herlene Budol ilang linggo matapos maitanghal si Herlene Budol bilang Miss Philippines Tourism 2023.
Ang pagbibitiw ni Wilbert Tolentino ay effective this coming July 31, 2023.
Ayon sa ibinahaging post ni Wilbert Tolentino, matagal din niyang pinag-isipan ang desisyong ito matapos ang pagiging talent manager kay Herlene Budol sa loob ng isa at kalahating taon, kung saan itinuring na umano niyang parang totoong anak si Herlene.
"Ako po ay opisyal ng magbibitiw bilang Talent Manager ni Herlene Hipon Budol effective July 31, 2023. Sa loob ng isa’t kalahating taon, tumayo akong pangalawang magulang niya, sa kanyang karera at tinuring ko siyang para ko na rin anak."
Ayon pa kay Wilbert Tolentino, hindi naging madali ang desisyon niyang ito dahil marami na rin silang pinagsamahang dalawa. Marami na rin umanong naachieve si Herlene mula nang nagsama sila.
Subalit, kailangan umano niya itong gawin dahil, kulang ang 24 hours para sa kanyang trabaho bilang manager at nawawalan na siya ng oras para sa kanyang anak at sa kanyang sarili. Kailangan din umano niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan.
"Mahirap man gawin, halos matagal ko din pinagisipan. Subalit kailangan ko ng pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan, at bigyan oras ang aking anak dahil una sa lahat tumatanda na si KaFreshness, at higit akong kailangan nya lalo't lumalaki na siya."
"Di lingid sa lahat, na bilang Talent Manager, ito ay ubos-oras na tungkulin. Kulang ang bente kwatrong oras sa isang araw para sa sarili kong buhay. Walang kapantay ang bawat hamon na aking naranasan, matupad lamang ang aking mga sinumpaang tungkulin para kay Herlene."
Bagama't ganito ang ibinigay na dahilan ni Wilbert Tolentino, may mga naglabasang mga haka-haka sa umano'y totoong dahilan kung bakit nagbitiw siya bilang talent manager ng dalaga. Ito ay may kinalaman sa ugali diumano ng beauty queen actress na Herlene Budol.
Matatandaan na nagviral noon ang ibinahaging Facebook post ni Wilbert Tolentino kung saan pinasaringan niya ang umano'y ungrateful na tao na nag-iba na umano ang ugali tinulungan na daw at lahat lahat kung sumagot ay pabalang pa.
Bagama't hindi rin pinangalanan ni Wilbert Tolentino kung sino ang taong ito, base sa mga naglabasang clue at blind items ito ay walang iba kundi si Herlene Budol.
Samantala, sa pagreresign ni Wilbert Tolentino bilang talent manager ni Herlene Budol, nag-iwan siya ng payo para sa actress-beauty na isapuso ang kanyang mga itinuro rito.
"Malayo pa ang mararating ni herlene . Sana lang isapuso nya ang core value na itinuro ko sa kanya na COMMITMENT, PROFESSIONALISM and GRATITUDE. I am very optimistic na lalago pa ang karera nya and more endorsement, tv shows and movies to come!"
Sa kabilang banda hindi naman naiwasan na mabigyan ng ibang kulay6 ang magandang payo na ito ni Wilbert Tolentino para kay Herlene Budol dahil nauna nang naisyung ang dalaga na walang commitment sa trabaho.
Palagi umano itong late at hindi rin umano ito naging professional at napaka-ungrateful dahil sa facial expression nito noong kinorohanan bilang Miss Philippine Tourism 2023.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!