Herlene Budol Dismayado Dahil Hindi Nasungkit Ang Miss Grand Philippines Title, Nakulangan sa Miss Philippines Tourism

Biyernes, Hulyo 14, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-uusapan pa rin ngayon sa mundo ng showbiz ang katatapos lamang na Miss Grand Philippines pageant.


Muling nabigo si Herlene Nicole Budol aka Hipon Girl na masungkit ang pinapangarap niyang korona ng Miss Grand International.


Gayunpaman, naiuwi naman ng actress-comedian na si Herlene ang korona bilang Miss Philippines Tourism 2023.


Samantala, kaakibat ng pagtatapos ng Miss Grand Philippines tila nag-iwan ito ng isyu at intriga para kay Herlene Budol.


Marami kasi sa mga netizens ang nagsasabing tila hindi masaya at dismayado si Herlene Budol sa resulta ng kompetisyon. May ilan pang nagsasabi na tila hindi nakuntento si Herlene sa pagkakahirang sa kanya bilang Miss Philippines Tourism dahil hindi man lamang umano ito ngumiti habang kinokoronahan siya.


Ayon pa sa ilang mga netizens na tila pilit ang naging ngiti ni Herlene. May mga nakapansin pa umano na tila nakasimangot si Herlene habang kinukoronahan ang nanalong Miss Grand Philippines na si Nikki De Moura mula sa  Cagayan De Oro City.


May nagsasabi pang napaka-ungrateful naman ni Herlene Budol na madismaya gayung nakasungkit naman siya ng korona. May mga nagsasabi pang hindi naman deserve ni Herlene na manalo dahil mas marami pa umano ang mas magaling rito.


Samantala, may mga nagtatanggol naman kay Herlene Budol ay sinabi na baka na-overwhelmed lamang si Herlene  sa mga nangyayari dahil sa una pa lamang ay aminado na itong kinakabahan.


May mga nagsasabi pang napaka direct to the point ng sagot ni Herlene Budol at hindi umano katulad ng ibang mga contestant na bagama't English, hindi naman nakuha ng mga ito ang punto ng tanong.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo