Herlene Budol Dinaya Sa Best Ni Gown at Best in Swimsuit Luto Ang Resulta?

Biyernes, Hulyo 14, 2023

/ by Lovely


 Dismayado ang ilan sa mga fans ni Herlene Nicole Budol sa naging resulta ng Miss Grand Philippines Best in Swimsuit at Best in Evening Gown awards.


Nabigo si Herlene Budol na masungkit ang Best in Swimsuit award at Best in Evening Gown award kaya naman hindi napigil ng ilang mga pageant fans na mapa-react dahil mas deserve umano nito ang mga nasabing awards kumpara sa mga binanggit na nanalo. 


Sa pagrampa pa lang sa  Swimsuit competitoon, makikitang naging malaki na ang lamang ni Herlene kumpara sa ibang mga kandidata. Maganda umano ng entrance ni Herlene mula sa itaas na bahagi ng stage paibaba na tila nga ay nilaro niya pa ang hagdan, walang takot at very confident din umano ito sa kanyang pagrampa at talaga namang naging kapansin pansin ito sa madla. 


Bukod dito, napansin ng mga netizens, na maganda rin umano ang fitting at pagdadala ni Herlene sa kanyang swimsuit.


Bago pa man ng announcement ng nasabing award, marami na ang kaagad na nag expect na siguradong si Herlene ang makakatanggap ng Best in Swimsuit. Subalit hindi si Herlene ang tinawag na ang winner, kundi ang kandidatang mula sa Bagumbayan, Quezon City na si Michelle Arceo. 


Marami sa mga netizens ang kaagad na nadismaya sa naging resulta may mga nakapagsabi pang luto umano ito. 


Samanta, umasa rin ang mga netizens na kung hindi nasungkit ni Herlene ang Best in Swimsuit ay baka masungkit naman niya ang Best in Evening Gown award,  hinuha ng ilang fans nito na tuluyan nang maiuwi ni Herlene ang award.


Ito ay dahil sa kahanga-hanga nitong pagdadala ng kanyang evening gown, bukod sa mganda na ang mismong gown, naipresenta pa ito ni Herlene ng maayos sa audience. Subalit sa huli muli silang nabigo, dahil hidi si Herlene ang nanalo kundi si  Charie Manalo Sergio  na mula sa Caluya Antique.


"Jusko ung mga judges wala atang taste mga to hahaha Herlene was robbed again haha okay goodnight!"


"Sorry pero Herlene deserves the Best in Swimsuit!"


"Hindi ako fan ni Herlene pero huy deserve niya ng Best Swimsuit award! She was the only one who embodies the concept of Miss Grand International."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo