GMA Naglabas Ng Official Statement Hinggil Sa Kasong Isinampa Sa Kanila Ng TVJ!

Miyerkules, Hulyo 12, 2023

/ by Lovely


Naglabas na ng official statement ang GMA7 matapos lumabas ang summon mula sa Marikina Regional Trial Court dahil sa kasong isinampa ng TVJ laban sa kanila at  sa TAPE Inc.


Sa pamamagitan ng isang social media post, inilahad ng GMA7 ang kanilang reaksyon at sagot sa ginawang hakbang ng TVJ para mabawi ang 'Eat Bulaga'.


Matatandaan na noon pa man ay iginigiit na ni Joey De Leon na siya ang nakaisip at bumuo ng pamagat ng kanilang show na itinuturing ngayon bilang longest running TV show sa bansa.


Kaya naman nararapat lamang umano na makuha niya ang credits rito. Huli na rin umano nang mapag-alaman niya na inirehistro pala ng TAPE Inc ang trademark ng Eat Bulaga noong 2011.


Samantala sa isang Instagram post ng GMA official page, inilahad nila ang kanilang pahayag.


“We will refer the complaint to our legal counsel, Belo Gozon Elma Parel Asuncion & Lucila Law Offices.”


Matatandaan na nitong May 31, 2023 tuluyang nagresign ang TVJ sa TAPE Inc. matapos ang ilang buwang internal conflict nila dahil sa hindi pagkakasundo sa mga host at ilang segments ng Eat Bulaga.


Nais umano ng mga bagong executives ng TAPE Inc. na palitan ang ibang mga hosts at staff ng show, at maging ang ilang boring na segments.


Hindi naman umano  pumyag ang TVJ dahil iginiit nila na sila ang may karapatan na magdesisyon sa show.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens sa nasabing official statement ng GMA7.


"Hindi ko maisip kung pano nasisikmura ng new Eat Bulaga na i-celebrate ang 44yrs eh hindi pa nga sila pinanganak ng panahon na yun except for Isko na 5yrs old lang that time. Kapal ng mukha! Tapos sasabihin pa ni Paolo 44yrs na sila nagpapasaya? Talaga ba???"


"Dapat Po kc pinalitan nlng Yung eat Bulaga. Yan tuloy mdami ng nag unfollow s GMA."


"People are celebrating because of the hosts. Kasi yung spirit ng Eat Bulaga, nasa hosts mismo. Wala sa network, wala sa producer. Kita nyo, saya manood ng E.A.T ngayon sa TV5."


"Dapat talaga tapusin na Ang contract Ng eat Bulaga ipalit na lang it's showtime."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo