Gladys Reyes, Nagbigay Ng Mensahe Kay Awra Briguela

Linggo, Hulyo 9, 2023

/ by Lovely


 Bilang dating katrabaho, inilarawan ng aktres na si Gladys Reyes ang Kapamilya actor na si Awra Briguela.


Sina Gladys Reyes at Awra Briguela ay nagkasama sa pelikulang Here Comes The Groom nito lamang summer. Kung saan ang pelikulang ito ay isa ring entry sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film.


Ayon sa paglalarawan ni Gladys, marespeto naman si Awra Briguela subalit mahilig itong mang-prank.


“Ang experience ko sa kanya, working with him, wala, nakakatawa kahit off cam. Respectful din siya. Pero mahilig mam-prank. Kami ni Ate Uge [Eugene Domingo], pina-prank niya. Lalo na si Ate Uge,” pahayag ni Gladys Reyes sa isang panayam.


Gayunpaman, ipinagdiinan naman ni Gladys na wala naman siyang masamang karanasan kay Awra Briguela dahil sadyang mapagbiro lamang umano ito at sa totoong napakasaya umano nitong kasama.


“Wala akong bad experience kay Awra. Kasi very ano naman ‘yung bata, marespeto sa amin,” dagdag pa ni Gladys.


Matatandaan na nagtrending si Awra Briguela matapos ang pagkakasangkot niya sa isang rambulan sa bar ng Poblacion, Makati.


Pinagdedebatehan pa rin hanggang ngayon ng dalawang panig kung sino ang totoong nagpasimuno sa rambulan at kung ano ang totoong dahilan kung bakit sila nagkagulo.


Ayon sa nagpakilalang complainant na si Mark, pinipilit umano ni Awra na ipahubad ang kanyang pantalon na hindi naman niya tinupad kaya sila nagkagulo.


Sa kabilang banda, iginiit naman ng dalagang kasama ni Awra, nauna siyang hinupuan ng lalaki at ipinagtangol lamang siya ng kanyang kaibigan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo