Nagsalita na ang producer na si G Toengi sa isyu ni Lea Salonga at kanyang mga fans na walang pahintulot na pumasok sa kanyang dressing room.
Matatandaan na sinabi ng isa sa mga fans ni Lea Salonga na kakilala nila si G Toengi na isa sa mga co-producer sa show ni Lea Salonga sa New York para pagbigyan sila ng singer sa pakiusap nila na makahingi ng kahit isang groufie.
Sa kabila nito, pinalabas pa rin sila ni Lea Salonga at pinaghintay sa labas upang makuha ang groufie.
Kalaunan, ipinahayag ni Lea na nagkausap sila ni G Toengi na hindi naman pala niya kakilala ang mga fans at inamin naman ito mismo ng mga fans na pumasok sa dressing room kung saan sinabi nilang nataranta lamang sila dahil sa reaction ni Lea Salonga.
Samantala, nagbigay ng payo si G Toengi sa lahat ng mga fans na nagbabalak na manood ng Here Lies Love sa Broadway Theater, New York na sundin ang lahat ng protocols.
“If you want the chance to meet the cast and get your playbills signed, please proceed directly out of the theater to the stage door after the show,” pahayag nito.
Agad naman siyang tinanong ng isang kaibigan kung ang tinutukoy ba niya sa kanyang post ang nangyari sa fans ni Lea Salonga.
“So are you’re saying don’t sneak past security, invade the sacred haven of artists, then drop your name to get a picture with Lea?”
Kung saan tahasan niyang inamin na ito nga ang kanyang tinutukoy.
"Bingo," pag-amin pa nito.
Samantala, naniniwala naman ang mga fans ni Lea na walang mali sa kanilang ginawa dahil mismong security personnel ang nag-escort sa kanila papasok sa dressing room ni Lea Salonga.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!