Kitang-kita sa mga kumakalat na mga larawan at videos ng actress-host na si Maine Mendoza ang saya sa pag-iisang dibdib nila ng actor-politician na si Arjo Atayde nitong July 28, 2023.
Sa isang video na kumakalat ngayon sa social media makikitang todo sa pagsasayaw si Maine sa kanyang intermission number kasama ng kanyang mga closest friends, na siya ring bridesmaids sa kanilang kasal ni Arjo.
Ito ang siyang nagpapatunay na ang kasalang ginanap sa Baguio ay totoo ay hindi palabas tulad ng mga sinasabi ng mga Aldub fans.
May ilang mga Aldub fans pa rin kasi na naniniwalang ang kasalang naganap sa pagitan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ay pawang palabas lamang. Hindi umano ito ang totoong Maine Mendoza dahil si Maine umano ay nag-aalaga ng mga anak nila ni Alden.
Subalit sa mga ibinahaging video, matutunghayan ang mga larawan at video na hindi pa nakikita ng karamihan na kuha mismo sa kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Baguio.
Maagang naghanda sina Maine Mendoza at Arjo Atayde ganun rin ang kani-kanilang pamilya sa mismong araw ng kasal ng celebrity couple.
Ayon sa mga ulat, bagaman simple ang suot na ni Maine, isang sikat na designer umano ang gumawa nito, sa katunayan, pareho sila ng wedding dress designer ng South Korean aktres na si Son Hye Jin.
Umabot umano sa 9 million ang halagang ng tatlong attire na isinuot ni Maine kasama na ang wedding gown. Dahil hindi nangyari ang unang plano na garden wedding, minabuti ng organizer na gawin na lamang sa loob ang nasabing event.
Malaki naman ang venue na kanilang kinuha, kaya naman hindi rin nahirapan ang organizer na isaayos ang lahat. Medyo na-late din umano ang nangyaring kasalan dahil sa lakas ng ulan na bumuhos sa Baguio.
Present naman sa kasalan nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang mga legit dabarkads na sina Maja Salvador, MJ Lastimosa, Ryan Agoncillo at ang TVJ.
Naroon din ang iba pang celebrity na sina Sheena Halili, Ciara Sotto, Kristine Hermosa. Ang anak naman nina Pauleen Luna at Vic Sotto na si Tali ang kanilang flower girl.
Hindi naman napigil ni Arjo Atayde ang sarili at napaluha dahil sa sobrang tuwa na finally matatawag na niyang asawa si Maine Mendoza.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!