Naglabas ng panibagong blind items sina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kamakailang episode ng kanilang Showbiz Now Na vlog patungkol sa isang female celebrity na lumaki umano kaagad ang ulo dahil naging bida sa kauna-unahang pagkakataon.
Ayon pa sa kanila, ang tinutukoy nila sa kanilang blind item ay isang celebrity na kamakailan lamang ay pinag-uusapan ang pangalan.
Mayroon umanong masamang ugali ang nasabing personality, dahil bida sa isang teleserye, palagi umano itong nahuhuli sa taping at nag-iinarte pa sa pagkain.
Nagrereyna-reynahan din umano ito sa taping at feeling entitled dahil siya ang bida.
Samantala, ayon kay Manay Cristy Fermin, tiyak na hindi umano magtatagal sa industriya ang nasabing female celebrity dahil sa pag-iinarte nito.
Tiyak umanong tatandaan ng production team ang ugali ng babaeng ito at hindi na kukunin sa susunod.
Komento naman ni Wendell Alvarez, na baka siya pa umano ang unang tsutsugiin sa teleseryeng pinagbibidahan para kaagad na itong magtapos dahil naiimbyerna na ang lahat.
Samantala, nagbigay naman ng clue si Cristy Fermin at sinabing sumikat ang babaeng ito dahil sa tulong ng isang male TV-host.
Sa huli nagbigay rin ng mensahe sina Manay Cristy Fermin para sa personality na ito.
“Alam mo, wala ka pa sa estado na ‘yon bakit nagmamalaki ka na. Dapat ang gawin mo, medyo alalay ka muna sa ugali mo. ‘Wag munang magmamalaki. Ipakita mo doon sa kasamahan mo na kung ano ka dati, ganoon ka pa rin hanggang ngayon.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!