Fan Ni Lea Salonga, Gumagawa Na Ngayon Ng Content Patungkol Sa Mga Nakakasalamuhang Artista

Biyernes, Hulyo 21, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi pinapalampas ng controversial fan ni Lea Salonga ang fame na natatanggap ngayon sa social media kahit pa napupuno siya ngayon ng mga pambabatikos.


Sa ngayon, ay gumagawa na ng mga content ang isa sa mga fans ni Lea Salonga na si Christopher Retokelly Carpila, na walang pahintulot na pumasok sa dressing room ng singer.


Sa kanyang latest post, ibinahagi ni Christopher ang kanilang pagkikita ng isa pang Filipino singer na si Mark Bautista na kumakain sa isang Taiwanese Restaurant.


Tila pinaringgan pa niya si Lea Salonga sa kanyang pagsasabing wala siya sa guest list ni Mark Bautista sa loob ng restaurant.


“Nagpapicture ako sa kanya pero tinanong ko muna siya kung okey lang ba kahit wala ako sa Guest list,” pahayag ni Christopher.


Matatandaan na ayon sa paliwanag ni Lea Salonga, hindi niya pinagbigyan sina Christopher at ang dalawa pang kasama nito na makipagpicture sa kanya sa loob ng dressing room dahil wala ang mga ito sa guest list.


Subalit nakapagpa picture naman umano ang mga ito kay Lea Salonga sa huli.


Samantala, ipinakita pa ni Christopher ang maikling pag-uusap nila ni Mark Bautista at kung paano ito nakipag-usap sa kanya. Habang kinukunan sila ng larawan.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa post ni Christopher.


"Sir Cristopher sana magka chance ka rin mgpa picture kay Miss Small Laude icheck ntn kung anu reaction nya"


"Ay ikaw na po talaga sir. Basta pag makita mo si Miss Shawie hug mo ako sa kanya"


"Luh! Ikaw na nga may mali sa "lea viral video" mo ikaw pa malakas magparinig. "Guests list?"

The nerve. #ForTheClout"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo