Fan Na Nasermunan ni Lea Salonga Naglabas Ng Resibo Na Wala Silang Privacy Na Na-invade

Biyernes, Hulyo 21, 2023

/ by Lovely


 Nagbahagi ng isang resibo ang digital creator at businessman na si Christopher Carpila kung saan makikitang  pinayagang pumasok ang mga tao sa dressing room kung saan pinagsabihan umano sila ng singer na si Lea Salonga tungkol sa ‘boundaries.’


Sa video, makikita si Christopher na pumila kasama ang iba pa niyang kaibigan. Iginiit din niya na hindi sila kailanman pumasok sa mismong dressing room na tinutuluyan ni Lea.


Muli rin niyang itinanggi na in-invade nila ang privacy ng Broadway actress-singer, na kasalukuyang nasa New York para magtanghal ng 'Here Lies Love.'


“Wag magbulagbulagan sa katotohanan Hindi kami gate crasher. We did not invade her privacy,” pagpupunto pa ni Christopher.


Si Christopher din ang nag-upload sa video ng nangyaring insedente sa loob ng dressing room ng actress-singer na si Lea Salonga. Iginiit din niyang hindi niya intensyon na siraan si Lea Salonga.


Inupload lamang umano niya ang video upang kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam dahil sa labis na pagkapahiya sa kanila.


Matatandaan na nagbigay naman ng paliwanag ang kampo ni Lea Salonga kung saan nilinaw nila ang dahilan kung bakit hindi pinagbigyan ni Lea ang kanyang mga fans dahil wala ang mga ito sa guest list.


Subalit, nakapagpa picture pa rin naman umano ang mga ito sa huli.


Samantala narito naman ang komento ng ilang netizens sa paresibo ni Christopher.


"Dapat ipinakita mo yan kina Julius Babao. Kasi, hindi alam ng mga tagahanga ni Lea Salonga na ang meet and greet was actually held inside her dressing room. At ang pagkakamali nyo lang is not having paid the fee for the actual meet and greet. Kasi, ang ipinalalabas ni Lea e you were invading her privacy, when in fact she was entertaining people who had paid for the meet and greet inside her dressing room."


"alam mo ba yung LISTED GUEST? Yun yung nasa pila. Kaya nga na call yung attention nila bakla Kasi pumila sila na hindi nila alam na para sa guest list yun. At nagpipilit silang pumasok gamit ang panloloko na kilala daw nila si G.Tongi, Yung assistant producer."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo