Pinayuhan ng beteranang aktres at komedyanteng si Eugene Domingo ang kanyang kaibigan na si Pokwang sa gitna ng pinagdadaanan nito ngayon sa paghihiwalay nila ng dating kinakasama na si Lee O'Brian.
Sa kamakailang panayam ni Eugene Domingo sa vlog ni Ogie Diaz, naitanong sa kanya ng showbiz insider kung ano ang kanyang maipapayo sa kanyang kaibigan sa gitna ng mga isyu nito laban kay Lee O'Brian.
“Kung saan magiging malaya ‘yung pakiramdam mo. ‘Yung makakatulog ka nang maayos. Maiisip mo na hindi ang ikaw ang involved dito. May anak ka, may pamilya ka, timbangin mo din,” pahayag ni Eugene Domingo.
Dagdag pa ni Eugene Domingo, minsan ay hindi lamang ang sarili ang dapat na isipin sa pakikipaglaban. Dapat din umanong isipin ni Pokwang ang iba pang madadamay kagaya na lamang sa kanilang anak na si Malia.
“Minsan hindi lang ito tungkol sa ‘yo at sa ipinaglalaban mo. Baka mayroon tayong isipin in the future. Paano ito magiging hadlang o makakatulong ba ito sa mga mahal mo, sa mga anak mo. So doon tayo sa balanse,” pagpupunto ni Eugene.
Dagdag pa ni Eugene, “Mayroon tayong mga pinaglalaban na pwede tayong hindi manalo at mayroon tayong ipinaglalaban na sure win tayo. Balanse lang.”
Bagama't naiintindihan naman umano ni Eugene ang pinanggalingan ng galit ni Pokwang subalit mas naiisip niya ang magiging epekto nito sa kanyang anak na si Malia.
Kahit ano pa umanong mangyari sa hinaharap ay si Lee O'Brian pa rin ang nag-iisang ama ni Malia O'Brian at dadating rin ang panahon na maghahanap si Malia sa kanyang ama.
“Gusto ko yung gusto niyang ipaglaban yung pagtaguyod sa anak kasi reyalidad yun, e. Hindi mo naman kayang mag-isang itaguyod yung anak mo financially. Pero nandoon rin ako sa iba rin yung point of view ng bata. Tanungin niya. Kausapin niya si Malia.
“Kasi baka minsan iba talaga ang isip ng ina at asawa. Tanungin mo nga kung anong posisyon mo dito o alam mo ba na ganito ang nangyayari? Sa akin nga wala akong pakialam sa mga matatanda, e. ‘Yung bata, andu’n ako.”
Isiniwalat din ni Eugene na minsan umano ay nakikinig naman sa kanyang mga payo si Pokwang subalit, may mga pagkakataon talaga na hindi nito makontrol ang sarili.
Sa huli, tanging hiling ni Eugene na mahanap ni Pokwang ang tunay na pag-ibig na deserve niyang makuha dahil sa napakabuti nitong puso.
“Ang sa akin lang, sabi ko, maganda ka. May magmamahal sa ‘yo. Maniwala ka sa akin. So kung hindi man ngayon, pagkatapos ng lahat.”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!