Enrique Gil Pasabog Ang Comeback Movie! Super Mature at Comedy Roles

Huwebes, Hulyo 13, 2023

/ by Lovely


 Tila natatapos ang paghihintay ng mga fans ng Kapamilya actor na si Enrique Gil dahil sa napapabalitang pagkakaroon nito ng panibagong pelikula.


Ang pelikula rin umanong ito ang magsisilbing comeback movie ni Enrique Gil matapos ang ilang taon na nagshowbiz hiatus siya mula nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at ang pagkalap ng nakakahawang sakit sa buong mundo.


Ang pelikulang gagawin umano ngayon ni Enrique Gil ay naiiba sa mga nagawa na niya noon. Ang pelikulang, I Am Not Big Bird na pagbibidahan ni Enrique Gil ay isang mature comedy film.


Ang taping naman ng nasabing pelikula ay sa Thailand pa talaga. Magiging extra special naman ang nasabing pelikula dahil bukod sa pagiging comeback movie nito ay ito rin ang kauna-unahang pelikula full blown comedy film na pagbibidahan ng Kapamilya actor.


“I’ve always wanted to do a full blown comedy, so when they pitch that sa title pa lang, I’m like ‘Oh my gosh, genius. I need to do something like this’.”


Ang pelikula ding ito ay base rin sa totoong kaganapan sa buhay ng isa sa mga kaibigan ng writer na si Lilit.


“Lilit and his friends was constantly swarmed by women everytime na nagpupunta sila sa mga event sa Thailand. And as it turns out, Lilit friend happens to look like popular porn star.”


Samantala, gagampanan ni Enrique Gil ang papel ni Louis Carpio sa pelikula, ang katauhan rin ng sinasabing kaibigan ni Lilit.


“Basically, Big Bird is a famous porn star in Thailand, my character Louis Carpio travels to Thailand and doon siya pinagkamalan na si Big Bird,” pagbabahagi ni Enrique Gil.


“Kasi parang identical twins na talaga sila. That’s where the adventures begin.”



Dagdag pa ng aktor, “Hindi ako si Big Bird but at some point ako rin si Big Bird.”


Makakasama naman ni Enrique Gil sa nasabing pelikula sina Nikko Natividad, Red Ollerio at Pepe Herera.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo