Enrique Gil, Nilinaw Na Ang Real Score Sa Pagitan Nila Ni Liza Soberano

Biyernes, Hulyo 14, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actor na si Erique Gil patungkol sa relasyon nila ng dating ka-loveteam at nobya na si Liza Soberano.


Matatandaan na ilang beses nang napapabalita ang naging hiwalayan umano nina Liza Soberano at Enrique Gil. Subalit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.


Subalit, tila nagtatapos na ngayon ang pananahimik ni Enrique Gil dahil isiniwalat na niyang maayos naman ang relasyon nilang dalawa ni Liza. Sadyang busy lamang umano sila sa kani-kanilang mga projects subalit suportado pa rin umano nila ang isa't-isa.


Nilinaw pa ni Enrique Gil na masaya naman sila sa kabila ng pagiging malayo sa isa't-isa.


“We’re good. We’re good… you know i’m busy with all my projects. She is busy with all her projects naman she is focusing more on international work which is super super good for her, you know Kahit super busy kami we still support each other no matter what. Yeah! super happy for her, super happy for me too.”


Gayunpaman, may ilang netizens pa rin ang nagdududa kung totoong magkarelasyon pa ba ang dalawa dahil tila wala na silang pakialaman sa mga isyu ng bawat isa.


Ni hindi nga umano naipagtanggol ni Enrique si Liza sa mga bashers nito. Habang si Liza naman ay tila kinalimutan na umanong may boyfriend siyang iniwan sa Pilipinas.


"Kayo pa pala? Nasaan ka noong durog na durog siya sa pabgbabash at pagdedefend ng sarili niya? Bilang boyfriend ikaw ang unang tao na magdefend sa kanya. Mukhang nagtago ka ata, takot ka din mabash?"


"Kawawa si Enrique. Gamit na gamit pa rin ni Liza."


"I think they got married already? Kasi parang nadulas si Quen when he was in that basketball thing ( I forgot tawag dun) coz he mentioned like saying thank you to his family and friends and " my wife ""


"Still support each other… meaning na may posibilidad na hiwalay na sila at dine deny lang niya."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo