Hindi napigil ng award-winning actress at Marcos loyalist na si Elizabeth Oropesa ang emosyun at hayagang inilabas sa social media ang kanyang hinaing sa tratong natatanggap umano niya mula kay PBBM.
Ipinahayag ni Elizabeth sa kanyang inilabas na video kung paanong nararamdaman umano niyang inaabandona na sila ni PBBM sa kabila ng pagsusuportang ibinigay nila rito noong kampanya.
Ayon pa kay Elizabeth, tila pinapabayaan na umano sila ng pangulo at mas pinagtutuunan umano ng pansin ang mga taong wala naman sa tabi nito noon.
“‘Yung akin lang po, ‘yung pinagre-report-an mo ‘yung mga kasama mo narin naman ngayon, kami kahit kaunting importansya, kahit kaunting pagpapahalaga ba wala,” pagrereklamo ni Elizabeth.
“Nakikita ko naman po ‘yung sino sinong binibigyan niyo ng importansya at pagpapahalaga na wala naman noon,” dagdag pa niya.
Agad namang nag-viral ang nasabing video ni Elizabeth na umani rin ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.
Marami ang nagsasabi na ang ikinasama ng loob ni Elizabeth ay ang hindi pag-imbita sa kanya sa naganap na SONA ng Pangulo.
Agad naman itong nilinaw ng aktres at ipinahayag na labis lamang siyang na disappoint sa mga natatanggap nilang pagtrato mula sa pangulo.
Agad din niyang sinagot ang mga kapwa Marcos loyalist na bumabatikos sa kanya ngayon dahil sa kanyang inilabas na video.
Ipinahayag niyang naging loyal na siya sa mga Marcos sa loob ng 37 years.
"Sad. Kapwa Loyalist na sa Social Media lang nakipaglaban ang tatapang mang bash. Ang babaw ninyo kung akala ninyo umiyak ako dahil hindi ako nabigyan ng posisyon. "
"37yrs po ako lumaban. Never nagisip na may kapalit. Ang laban po nun harapan. Patay Kung patay. Umuuwi kaming duguan. Nagtatago. May dalang baril at granada sa bag. Sawang Sawa sa sardines na halos araw araw ulam naming nasa kalsada or nakikitira."
"Umasa lamang ang mga Loyalist nun mga nag do donate ng pagkain. Dinukot ako. Sinugatan ng blade ang mga paa ko. Marami pang nangyari na hindi ko na kailangan ikwento. May mga kaso at mga utang. Nakatakas ako at timira sa Ibang bansa. 10 taon hindi makauwi."
“Masama bang umasa na Sana makahingi ng photo na may dedication? Masama bang mangarap na maimbitahan katulad ng mga dating umaalipusta sa kanila syang nakapaligid sa kanya ngayon? Sya ang gusto naming makaharap. Masama ba Yun?!!”
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!