Nilinaw na ng aktres na si Elisse Joson ang isyung nabubuntis siya sa ikalawang pagkakataon sa anak nila ng aktor na si McCoy De Leon.
Sa isang panayam sa isang showbiz reporter na si Gretchen Fullido, hayagang itinanong ng reporter kay Elisse kung may katotohanan nga ba ang kanyang 2nd pregnancy issue. Ibinahagi naman ang video sa Instagram account ng reporter.
“Uy, may revelation tayo. Preggy ka raw? Totoo ba?” hayagang tanong ng reporter.
Agad naman itong sinagot ni Elisse, kung saan sinabi niyang late ng dalawang taon ang balita.
“Two years late po ‘yung balita. Saan kaya nanggaling ‘yun?”
Dagdag pa ni Elisse, “Nakakaloka! Magtrabaho muna tayo. Nakakatawa. Nilagnat lang ako nung isang araw pero hindi ako pregnant.”
Matatandaan na noong 2016, nagkasama ang celebrity couple na sina McCoy De Leon at Elisse Joson sa Pinoy Big Brother. Naunang itinago ng dalawa ang kanilang relasyon hanggang sa mabuntis at maipanganak ni Elisse ang kanilang baby girl na si Baby Felize.
Napabalita naman ang paghihiwalay ng dalawa nitong December 2022 subalit, nagkaayos naman kaagad matapos ang ilang linggo. Hindi ito ang unang pagkakataon na naghiwalay sila dahil noong 2019 nauna nang napapabalitang naghiwalay ang dalawa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!