Usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y pagbubuntis ng actress na si Elisse Joson sa ikalawang pagkakataon sa anak nila ng Kapamilya actor na si McCoy De Leon.
Ayon sa mga kumakalat ngayon usap-usapan, hindi pa handa ang mag-partner na umamin sa madlang pipol sa muling pagbubuntis ni Elisse.
Subalit, nang maitanong ito kay McCoy sa isang panayam, tila pinabulaanan ng aktor ang isyung ito.
“Kasi ano…kasama sa trabaho yan. Basta wala naman. Thankful kami na may work kami. Parehas kami na may trabaho. Wala naman. Same-same naman. Wala namang nabago,” pahayag ng aktor.
Nang matanong naman si McCoy kung may nagbago ba sa kanilang relasyon ngayon ni Elisse at sa pag-aalaga nila kay Felize ay naging paiwas ang sagot nito na tila may iniiwasan na maibigay na detalye.
“Same naman. Wala naman. Ganu’n pa din. Oo naman. Basta yun!”
Sa kabilang banda, abala ngayon si McCoy De Leon sa pagpo-promote sa kanyang panibagong digital series na pinamagatang 'Deadly Love'.
Bukod dito, kasama rin si McCoy sa inaabangan ngayong palabas sa Kapamilya network na pinamagatang Ang Batang Quiapo.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!