Tinatayang hindi bababa sa 500M pesos ang total sponsor na natanggap ng E.A.T sa TV5 matapos ang matagumpay nilang first episode nitong July 1, 2023.
Sa ngayon ay nakasuporta na sa TVJ ang 18 big companies sa loob at labas ng bansa. Sila rin ang naging daan upang maging posible ang pagbabalik ng TVJ sa mga telebisyon.
Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na ang ilan sa mga naging sponsor ngayon ng E.A.T ng TVJ ay dati na ring sponsor ng Eat Bulaga noon.
Nadagdagan pa umano ito ng iba pang mga sponsors mula sa iba't-ibang brands.
Ilan sa mga sponsors na ito ay ang RiteMed, AlaxanFR, Ceelin Plus, Solmux Advance, ImmunPro, LalaMove, Cignal, Zonrox, Aling Puring ng Puregold, Palawan Express Pera Padala, Hanabishi appliances, Smart at TNT, Hapee toothpaste, Bingo Plus, Dartek, PLDT Home Fiber, Kopiko Blanca at Mc Donalds.
Nauna na rito ang masayang pagbabalita ng TVJ na sila ang nangunguna sa ratings sa naging first episode nila noong July 1, 2023.
Pumangalawa naman sa kanilang ang It's Showtime na kasalukuyang nasa GTV habang patuloy na nangungulelat naman ang Eat Bulaga ng TAPE Inc. na ipinapalabas sa GMA7.
Kaya naging, usap-usapan ngayon sa social media ang umano'y pagsisisi ng mga Jalosjos dahil sa pag-alis ng TVJ sa kanila na pinagmulan ng unti-unti nilang pagkakalugi.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!